MB 49

863 130 69
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕



3RD PERSON'S POV

[

Welcome to our penthouse]

Nang marinig ni Gino ang sinabi nito ay wala sa sarili siyang napatingin sa paligid.

Maganda ang lugar, malamig at maaliwalas ang pakiramdam dito. 'Siguro dahil iyon sa mga punong nakapaligid.'

Dahan-dahan siyang naglakad patungo balkunahe para mapagmasdan ang labas.

'Tama nga hinala ko, nasa gitna ata kami ng gubat,' isip-isip pa niya habang tinatanaw ang buong lugar.

Maliban sa isa pang bahay malapit sa kinatatayuan niya ay wala ka nang ibang makikitang mga kapitbahay.

Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig na nadarama, dahil sa bagyong dumaan noong isang gabi lamang ay medyo makulimlim pa rin ang panahon at talaga namang napakalamig ng simoy ng hangin.

Pansin rin ni Gino ang medyo nakahapay na mga puno, dulot ng malakas na hangin. Bukod doon ay wala namang ibang pinsala siyang nakikita.

Habang masayang nagmamasid sa paligid ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng paglapat ng isang tela sa kanyang balikat. Nang lumingon siya ay nasilayan niya ang lalaking minamahal na nakangiti sa kanya.

"Salamat Cain," saad niya dito.

Umiling naman ito at yumakap sa likod niya. Ang mga kamay nito ay nasa kanyang bewang habang ang baba naman ay nakapatong sa kanyang balikat.

"Do you want to eat something?" malambing na bulong pa nito sa kanya.

Tumango na lamang siya bilang sagot, iba kasi ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. 'Goodness, kakain na lang ako bago pa ako ang makain nito.'

Inalalayan siya nito palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.

Nang makapasok sila sa kusina ay laking gulat niya sa nakita at di napigilang mapasigaw.

"HELLIX?"

ISANG normal na araw sa penthouse, nasa gym si Hellix at nasa kusina naman si Zero at nag luluto ng tanghalian.

Ang nasa sala ay sina Gary at Josh, nagtatawanan pa ang dalawa habang nanunuod sa TV. Hindi nila inaasahan na biglang dadating ang boss nila.

Sabay pa silang napatayo sa sofa para bumati pero tiningnan lamang sila nito na parang nagsasabi na wag na, hindi na kailangan.

Dahil doon ay napadako ang kanilang paningin sa taong buhat ng kanilang boss. Halatang mahimbing na natutulog ito sa braso ni Mr. Sinclair.

'Woahh sino kaya iyan?' nagtataka at gulat na tanong pa ni Gary sa kanyang isipan.

'Hindi nagdadala ng kahit sinong babae dito si boss, karaniwan ay sa hotel o sa iba't ibang casino,' isip-isip pa niya.

Paglingon niya ay napatingin din sa kanya si Josh, mukhang parehas ang kanilang iniisip.

Wala namang lakas ng loob sila na itanong kung sino ang taong iyon kaya hinayaan na lamang nila, paakyat na sana ang boss nila buhat pa rin ang misterysong kasama nang biglang dumating si Hellix.

"Yow boss!!! Buti naisipan mong umu--"

Napatigil din ito sa pagsasalita ng tingnan ng masama ni Mr. Sinclair bago magsalita.

"Shut up Hellix, he might wake up," gigil na bulong nito kay Hellix.

"Hehe Sorry boss, woohh si Gin--"

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن