MB 54

460 23 4
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

NANG hapon ding iyon pagkatapos niyang bumili ng susuotin niya ay naghanda na sila sa pag attend ng party.

Maagang umuwi si Cain para sunduin siya, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang naging reaksyon nito ng makita ang itsura niya.

"Woah, you look like a queen my Ginobabes." manghang saad nito habang nakatingin sa kanya.

Kung kanina ay nahihiya na siya, lalo na ngayong kaharap na niya ang lalaking pinakamamahal.

Kahit siya naman ay hindi rin makapaniwala na bagay sa kanya ang ganitong damit.

Pero kung kahanga-hanga na siya, parang gusto naman niyang maglaway ng makita ang napakagwapong itsura ni Cain. Ang suot nitong itim na tuxedo, na hinaluan ng ginto ay talaga namang lalong nagpaangat sa kagwapuhan nito.

Siguro dahil sa pagkatulala ay hindi na niya napansin ang paglapit nito sa kanya.

Huli na ng maramdaman niya ang malambot at mainit na labi nitong nakalapat sa kanya.

Medyo naging mapusok pa sila bago makaalis ng penthouse.

NGAYON habang nasa loob ng sasakyan ay hindi niya mapigilang kabahan, hindi pa kasi siya nakakapunta sa mga party na ganito.

Nasa parking lot na sila pero ayaw pa rin niyang bumaba, alam niyang medyo late na sila pero kinakabahan talaga siya.

"Ginobabes, you don't need to be scared, I'm with you," nakangiting ani Cain sa kanya sabay lagay ng kamay sa kanyang harapan.

Napahinga naman siya ng malalim saka inabot ang kamay nito. Inalalayan siya nitong lumabas ng magara nilang sasakyan.

Habang naglalakad papasok sa magandang venue ay nararamdaman na niya ang pangangatal ng kanyang kamay at ganun din ang kanyang tuhod.

Ang dami nilang nadadaanan na mga sikat at kilalang tao. Halata na mayayaman lahat ng narito kaya lalo siyang napayuko.

Lahat ng mga kababaihan na mukhang mga artista ay parang nagpupuso-puso na ang mga mata habang nakasunod ang tingin kay Cain.

Kapag naman napadako ang tingin ng mga ito sa kanya ay binibigyan siya ng masamang tingin.

Lalo tuloy siyang napahiya, pakiramdam niya ay hindi siya bagay na katabi at kasama ng isang tulad ni Cain.

"Hey, babe."

"Hmm?" sagot naman niya sabay tingin dito.

CHUPPP!!!

Napatigil siya sa paglalakad dahil sa ginawa nito at halos mapanganga dahil sa gulat.

Ang lahat ng mga babaeng nakatingin kanina ay naiwang luhaan at heartbroken.

Yumuko ito habang ang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa kanyang bewang at bumulong sa kanyang tenga.

"Don't look down my Ginobabes, you're the only one I love, the mother of my child and the person I will love for the rest of my life," seryosong saad nito na nakapagpalakas sa kanyang loob.

Ngumiti siya at hinawakan ang magkabila nitong pisngi para mahalikan ang labi nito.

Ngumisi naman ito at gusto pa sana siyang halikan ng may tumighim sa likod nila. May iba pa palang mga bisita na papasok. Nakaharang kasi sila sa entrance.

Inalalayan siya ni Cain para makapunta sila sa isang table sa unahan ng venue. Pinaupo siya nito at hinalikan ang noo bago umalis.

"I just need to do something, I'll be right back."

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora