MB 27

1.5K 131 35
                                    


I hope you enjoy reading this Chapter💕

3RD PERSON'S POV

KINABUKASAN, maagang gumising si Gino para pumasok sa trabaho.

Nang pababa na siya sa kamang hinihigaan ay napailing siya dahil sa nakita. Si Cain ay mahimbing pang tulog sa sahig, katabi si Miggs.

'Hays, 'di pa rin ako makapaniwala na mula ngayon ay magkasama na kami dito sa bahay,' isip-isip pa niya habang naglalakad papunta sa banyo.

Matinding pag uusap ang naganap sa kanila kagabi at dahil sa kakulitan ni Cain ay nagtagumpay ito. Habang naghihilamos ay nagbalik sa kanyang ala-ala ang pag uusap nila kagabi.

"T-Teka, anong h-here?" Di makapaniwalang tanong niya kay Cain.

"Here, as in, here with you and Miggs," kasual na sagot naman nito sa kanya na parang 'di big deal ang lahat.

"AT BAKIT NAMAN? Bigyan mo nga ako ng matibay na dahilan, Cain."

"Did you already forget what I've told you before, I said that I will take full responsibility for what I've done to you, right?" paliwanag naman nito sa kanya.

Napanganga naman siya sa pahayag nito, ang takbo ng mga salita nito ay parang lalaking nakabuntis ng babae at gusto itong panagutan. "Te - Teka Cain, hindi tayo nagkakaintindihan," pag-awat pa niya dito.

"No, I think we discuss this alright, so --- where can I put my clothes?" turan pa nito sa kanya at tumayo sabay dampot sa bag na dala.

Naiwan naman siyang tulala at 'di talaga makapaniwala sa lakas ng loob ng lalaking ito. 'Saan ba nakuha ng malakas na kumpyansa sa sarili ang callboy na to?'

Napayuko na lamang sya dahil sa pagkatalo at napabulong...

"Cabinet, sa kwarto."

Napailing na lamang si Gino at saka nagpunas ng mukha.

Inihanda muna noya ang mga susuotin bago pumunta sa kusina at magluto ng agahan at baon nya para sa lunch.

Nagluto sya ng kanin at nagprito ng tocino para sa agahan nila, nagpa init na rin siya ng tubig kung sakali na gusto ni Cain ng kape.

Pagtingin siya sa orasan sa kusina ay maaga pa naman pero kailangan na noyang gisingin ang dalawa.

Bumalik soya sa kwarto at pagbukas pa lamang nya ng pinto ay nakita na nya ang nakahilatang si Cain at si Miggs na nakasiksik dito.

'Tss, tulog pa ang mag-ama,' natatawa niyang sabi pa sa isipan at lumapit sa mga ito.

"Cain, gumising ka na," sambit pa niya habang inaalog ang balikat nito.

"G-Gino--babes?" bulong pa nito habang pikit kaya napatawa siya ng mahina.

'Mukhang hanggang sa panaginip ay kasama mo ako sa adventure mo ah,' isip-isip pa nya at mas inalog ang balikat nito para magising, makalipas ng ilang segundo ay nagtagumpay naman sya sa pag-gising dito.

"Ginobabes, good morning!" Naghihikab na turan pa nito sa kanya kaya binati din nya ito pabalik habang hinahaplos ang ulo ng gising na din na si Miggs sa tabi nila.

Inaya na nya ito para kumain, naghayin na sya ng pagkain sa mesa at inihanda kanyang baon.

"Ginobabes, ano pang ginagawa mo, halika kain na tayo," rinig pa nyang sabi pa ni Cain sa kanya habang nag aayos pa ng kanyang baon.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Where stories live. Discover now