MB 19

1.6K 138 18
                                    

GINO'S POV

[Si Cain at yung babae kanina ay magkasama ngayon.]

'Nope, baka pinaglalaruan lamang ulit ako ng aking mga mata. Hindi si Cain iyon,' pagpapakalma ko pa sa aking sarili.

Bukod pa doon ay kung siya man talaga iyon ay wala akong pakialam.

Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa loob ng sinehan, malamig at madilim dito. Dahil medyo nasa huli na kami ng pila kaya pagpasok namin wala na masyadong bakanteng upuan para makapili kami ng magandang pwesto.

Nang may makita kaming bakanteng upuan sa may taas na parte ng sinehan ay umupo na kami doon.

Dahil excited ako sa movie kaya wala na akong pakialam sa paligid ko. Sa unahan lamang ako nakatingin hanggang sa magsimula na ang pelikula.

Maya-maya pa habang abala ako sa panunuod ay naramdaman ko ang pagkulbit ng aking katabi. Ayaw ko sana lingunin siya dahil nasa maganda nang part ang pelikula pero dahil makulit ito kaya ginawa ko na rin.

"Ano ba--"

Laglag ang aking panga dahil sa gulat nang makita ang mukha ng taong katabi ko at kumukulbit sa akin.

'C-Cain? Wait, baka namamalikmata lang ako,' isip-isip ko pa habang nakatitig sa mukha niya.

Masyadong madilim dito kaya di ko siya mamukhaan ng maayos. Dahil hindi ako sigurado kung siya nga talaga iyon kaya nagawa ko pa siyang sampalin.

"Arrgh, that hurts," inis na reklamo niya sabay tingin sa'kin ng masama habang hinahaplos ang masakit niyang pisngi.

Napatikom ang aking mga labi dahil sa takot nang malaman kong siya nga talaga ito. "Hehe sorry, Mr. Callboy," pabulong na paghingi ko ng tawad sa kanya.

Mabilis naman siyang napalingon dahil sa aking sinabi. "What did you call me?" medyo gulat na tanong pa niya habang nanlalaki ang mga mata.

Napakagat labi naman ako para di mapangisi dahil sa kyut niyang reaksyon. Baka pagtumawa ako ay lalo akong malintikan sa kanya.

Napailing na lamang ako habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.
'So, ibigsabihin ay kleyente ata nya yung babaeng kausap ko kanina. Hmm, kala ko Callboy lang sya, boyfriend for hire din ata.'

"W-Wala," tipid na sagot ko sa at ibinaling na muli sa harapan ang aking atensyon.

Dahil magkatabi dito habang nanunuod, pakiramdam ko siya ang kasama ko at hindi si Yuan.

'Goodness, ano bang iniisip ko. di ba hindi na dapat kami magkikita pa. Pero bakit ngayon ay parang masaya pa akong makasama sya,' naguguluhang turan ko pa sa aking sarili habang kumakain ng popcorn.

Dahil sa pakikipag usap ko sa kanya kaya halos nakalimutan ko na ang pinapanuod ko kaya nang magsigawan ang mga tao dahil sa magandang scene ay talagang nanghinayang ako.

'Bwisit na Callboy to, nawala tuloy ang aking attensyon sa pelikula,' isip-isip ko pa at hindi na siya pinansin pa.

Habang nanunuod ay bigla akong kinulbit ni Yuan at nagpaalam na pupunta lamang sya sa comfort room.

Nang makaalis si Yuan ay biglang nagtayuan ang aking balahibo sa batok at braso dahil sa mainit na hininga sa aking leeg. Hindi ko na kailangan lumingon para malaman na si Cain ang may dahilan noon, lalo na ng marinig ko ang malalim nyang boses na bumulong sa aking tenga.

"Who is he?" tanong pa niya kaya napalingon ako sa kanya.

Bago makasagot ay napasinghap pa ako dahil sa lapit ng aming mga mukha. Di ko naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya. Lalayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko at higitin palapit sa kanya kaya halos mapasubsob ako sa kanyang dibdib.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon