MB 42

1.3K 157 90
                                    


I hope you enjoy reading this chapter 💕

GINO'S POV

Lumipas ang buwan na ito na napakabilis. Maraming mga pangyayaring para sa'kin ay mahirap pa rin paniwalaan hanggang ngayon.

Isa na doon ang katotohanan na hindi na talaga kami babalikan ni Cain.

Masakit at malungkot iyon pero kahit ganun ay masaya na ako ngayon sapagkat nalampasan ko rin ang depression kasama ang aking mga kaibigan.

Magaling na ang aking balikat pero hindi ko pa rin ito ginagamit ng husto para di mabigla.

Bumibisita rin ako sa ospital para magpacheck up ng kalagayan ni Baby. Ganun din para malaman ko ang mga dapat kong gawin, kainin at iba habang nagbubuntis.

Una ko itong pagbubuntis kaya nangangapa ako sa dapat kong gawin, lagi man akong kinakabahan ay nandyan naman ang mabubuti kong kaibigan na laging nakaalalay sa akin.

Payo ni Doc na dapat daw ay mag ehersiyo para masanay ang katawan ko at di ito mahirapan sa mga pagbabagong nagaganap at paghahanda sa paglabas ni Baby.

Pag umaga ay naglalakad-lakad kami ni Miggs sa may park, dahil mabilis akong mapagod ay mabagal lamang ang ginagawang paglalakad namin.

Pansin ko na tunay ngang maselan ang aking pagbubuntis sapagkat lagi akong nakakaramdam ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagsusuka. Sobra rin ang paglilihi ko kaya naman lagi akong dinadalhan nina Mars at Jewel ng mangga at bagoong, egg pie at iba pang pagkain.

Kahit lagi akong iritable, inis, at mainit ang ulo ay pinagtatyagaan pa rin ako ng aking mga kaibigan. Malaking biyaya talaga sila para sakin.

Kung pag uusap ang tungkol sa biyaya, wala nang mas gagandang biyaya at himala para sakin kun'di ang baby na nasa aking sinapupunan ngayon.

Nakangiti kong hinaplos ang medyo malaki ko nang tiyan habang ako'y naglilinis ng kusina.

Kung excited sina Mars at Jewel na makita si Baby, siguradong 10 x o 100x pa ang nararamdaman kong pananabik na makasama ang anak ko.

Para sakin, siya ang nagbibigay ng deresyon sa buhay ko at dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa araw-araw.

Habang nagpupunas ng mesa ay bigla akong nakarinig ng pagkatok mula sa pinto na sinundan ng mga tahol ni Miggs.

Hindi ko alam sa aking sarili pero kinakabahan at umaasa pa rin ako na baka isang araw ay muling babalik ang ama ng anak ko.

Kahit ilang beses ko nang sinabi at kinumbinsi ang aking sarili ay di ko pa rin mapigilan na umasa.

Sigurado akong hindi si Mars at Jewel ang taong kumakatok ngayon dahil nasa trabaho sila ngayon.

Kahit may kaba ay mabilis akong nagtungo para buksan ang pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang taong nasa labas ng aking pintuan ngayon.

Si---






--Sir Yuan?

"I'm sorry to bother you, Gino."

Nagising ako mula sa pagtitig sa kanya nang marinig ko ang kanyang sinabi.

"Ah naku di po kayo nakakaabala, pasok po kayo."

Sumunod naman ito papasok ng pinto, pero laking gulat ko ng biglang dambahin ito ni Miggs.

"Miggs!! Tama na yan!" malakas na sigaw ko sabay awat dito.

Dinala ko muna ang mukhang bad mood na si Miggs sa kwarto para di na nito maaway pa si Sir.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon