MB 18

1.7K 125 15
                                    

GINO'S POV

HABANG naglalakad kami ni Mars papunta sa conference room para sa meeting ng aming department nang umandar na naman ang bibig ni Mars.

"Bhes, nabalitaan mo ba?"

"Mars, Chika agad," walang buhay na sagot ko naman sa kanya.

'Agang-aga kasi ay chika agad ang alam ng baklang to.'

"Hindi ito chika, tunay ito ah. Napanuod ko ito sa balita," pagdedepensa pa niya sa kanyang sarili.

"Tungkol ba saan?"

"Noong isang gabi raw ay may nasunog na yate sa may bandang south," nanlalaki pa ang mata niya habang ibinabahagi sa akin ang balita.

'Yateng nasunog?'

"Hindi ko ata napanuod sa balita yan,"
sagot ko pa habang patuloy kaming naglalakad.

"Paano mo nga ba mapapanuod e lagi kang nagmo-movie marathon ng mga MCU movies mo," nagtatampo pang aniya kaya napatawa ako ng mahina. Tunay naman kasi lahat ng sinabi niya.

"Sorry na, bakit daw ba nasunog?" tanong po sa kanya habang napapakamot ng ulo.

"Sabi sa balita ay nagsimula raw sa kitchen ang sunog, buti na lamang dahil wala naman daw nasaktan."

"Mabuti nga kung gano'n," sagot ko pa sabay pasok namin sa conference room.

"Ikaw wala ka bang chika sa'kin?" tanong pa niya nang makaupo na kami.

"Chika? Wala bakit?" nagtataka ko pang namang tanong.

"Wala daw eh bakit parang edge na edge ka pansin ko. Ano bang meron?" bulong pa niya sa'kin habang naghihintay kaming simulan ang meeting.

'Bakit ako excited? Well isang bagay lang naman ang nagpapa excite sa'kin,' napapangiti ko pang sabi sa aking isipan kaya lalo akong tiningnan ng kakaiba ni Mars.

"Nalaman ko kasi na this week na ang showing ng Avengers: End game, di ko lang sure kung anong eksaktong araw," excited na aniko kaya binigyan lamang niya ako ng isang iling na parang di sya makapaniwala sa narinig.

"Seriously bhes, addict ka na talaga dyan," sabi pa nito na parang nawalan ng gana.

'Luko din tong si Mars, magtatanong tapos biglang madi-disappoint,' isip isip ko pa habang nakanguso.

Napabuntong hininga na lamang ako ng maya-maya ay dumating na si sir Yuan para simulan ang meeting.

Dahil malapit ang aking kinauupuan sa may pinto ay kita ko ng pumasok si sir, pagbukas nya ng pinto ay parang nakita ko si Cain na dumaan sa likuran niya.

Bigla akong kinabahan at lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nakita. 'Si Cain ba talaga yun? Ano naman ang ginagawa nya dito?'

Tatayo sana ako tingnan ang taong yun nang bigla kong maisip na baka guni-guni ko lamang ang lahat. Simula kasi ng huling paghihiwalay namin ay para akong minumulto ng kanyang imahe.

Kung saan-saan ko nakikita ang mukha niya. Kahapon hinabol ko iyong magbabalot kasi akala ko ay siya iyon, tapos kaninang umaga may nakasalubong akong janitor, akala ko siya din kaya sinundan ko.

'Goodness! Ano bang nangyayari sa'kin? Baka naman ipinakulam niya ako dahil may galit sya sa'kin.' Bigla naman akong kinilabutan dahil sa aking mga iniisip.

Hindi tuloy ako nakapag focus sa mga sinabi ni sir Yuan, dahil rin sa pagkatulala ko ay hindi ko na pansin na tapos na ang meeting kun'di lang ako tinapik ni Mars sa balikat.

"Tayo na bhes," aniya sabay lakad patungo sa pinto. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya ng bigla akong tawagin ni Sir.

'Patay, pansin ata ni sir na hindi ako nakikinig sa meeting kanina. Siguradong mapapagalitan ako,' takot na turan ko pa sa aking sarili bago lumingon dito.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon