MB 41

1.1K 154 70
                                    

I hope you enjoy reading this chapter 💕

3RD PERSON'S POV

NAGMADALI sina Mars, Jewel at Yuan na umalis sa opisina para hanapin si Gino.

Lunch break nila sa opisina nang humahangos na ibalita ni Jewel na nawawala ang kanilang kaibigan

'Juscolored naman bhes, saan ka nagpunta?' kinakabahang tanong ni Mars sa kanyang sarili.

Wala silang alam na lugar na pwede nitong puntahan kaya naman mas nahirapan silang hanapin ito.

"Naku, Siz Mars siguradong hinahanap no'n si Fafa Cain," saad ni Jewel sa kanya habang sinusubukang tawagan ang cellphone ni Gino.

Ilang beses na nilang tinawagan pero mukhang hindi nito dala ang cellphone kaya nag riring lamang ito.

"Kaya nga eh, nababaliw na ata talaga yang kaibigan natin. Bukod sa di pa magaling ang sugat niya, ay maselan ang pagbubuntis niya," aniya.

Napayuko naman si Jewel dahil sa kalungkutang nadarama. 'Hindi deserve ni Siz ng ganitong buhay, hindi talaga,' isip-isip pa nito.

Habang nag uusap ay pansin naman nila na walang imik si Yuan at seryoso lamang sa pagda-drive. Alam ng dalawa na sobrang laki ng galit nito kay Cain dahil sa ginawa sa pinakamamahal nitong si Gino.

Napabuntong hininga na lamang si Mars at napailing. 'hayss kung sana ay diniskartehan na niya si Gino noon, di sana ay sila ang mag kaka anak ngayon.. Mahina rin itong si Sir Yuan eh.'

Habang umuulan ay nagpatuloy ang kanilang paghahanap. Napakarami na nilang nagpuntahang lugar, basa na rin ang kanilang damit  dahil sa ulan pero hindi talaga nila ito matagpuan.

Pabalik na sana sila sa opisina sakay sa kotse ni Yuan ng biglang mapatanaw sa bintana si Mars.

Nanlaki ang mata niya nang makilala ang taong naglalakad sa may baywalk.

▼△▼△▼△▼△

"C-Cain *hic b-bumalik ka na, h-hindi ko na kaya."

Umiiyak na bulong ni Gino habang naglalakad sa lugar kung saan sya unang dinala ni Cain noon, ang lumang hotel.

Marami na syang natanong pero wala kahit isang nakakakilala at makapagsabi ng kinaroroonan nito.

Naalala niya ang kaibigan na nakausap niya noon pero wala naman siyang numero ng taong iyon kaya hindi rin niya matawagan.

Ang numero na ginagamit ni Cain ay hindi na rin niya ma-contact pa.

Nahihilo na sya sa paghahanap dito pero wala naman siyang napapala, masakit pa rin ang kanyang balikat kaya naman napapangiwi siya kapag nasasagi ito ng mga taong nakakasabay o nakakasalubong niya sa paglalakad.

Alam niyang pinag tatawanan na siya ng mga taong nakakakita sa kanya dahil sa madungis niyang itsura, nakasuot lamang siya ng short at ang malaking tshirt ni Cain. Magulo ang kanyang buhok at basa ang kanyang mukha dahil sa pag iyak.

Napatagil siya mula sa mabagal na paglalakad dahil may naisip siyang isang lugar na pwede pang puntahan. Ang lugar kung saan sila unang nagkita.

Makulimkim ang panahon at ano mang oras ay nagbabadyang umulan, mabilis na tinahak ni Gino ang gilid ng baywalk para hanapin ang nawawalang ama ng batang nasa sinapupunan niya.

"Cain?" parang baliw na pagtawag pa niya sa pangalan nito.

May nakita siyang babae kaya nilapitan niya ito at kinulbit para tanungin.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon