MB 13

1.6K 127 18
                                    

HABANG kumakain ay nagpatuloy pa ang pag uusap naming dalawa.

Tungkol sa trabaho, sa lovelife nila ni Kevin at syempre hindi mawawala ang tungkol sa mga bully.

Dahil sa aming usapan ay biglang bumalik na naman sa aking isipan ang ginawang pagbabanta at pananakit ni Elvin sa akin.

Matagal ng magaling ang pasa sa aking katawan pero di ko pa rin maiwasang hawakan ang parteng iyon kapag na aalala ko ang nangyari.

'Pabalik na pala muli sina Eldran at Elvin bukas, Magiging impyerno na naman ang buhay ko,' malungkot kong sabi sa aking isipan at napabuntong hininga.

"Bhes, alam kong hindi ka na lang bigla kukuha ng callboy, sigurado akong may dahilan yun."

Bigla naman akong napatunghay mula sa  aking pagkakayuko dahil sa aking narinig.

"D-Dahilan?"

"Oo, kaya sabihin mo na sa'kin," pangungulit pa niya.

"W-Wala ah, ano bang sinasabi mo, Mars?" nagpapatay malisyang sagot ko naman sa kanya.

'Ayaw kong madamay si Mars dahil lamang sakin.'

"Hindi ka aamin o ipapadala ko talaga kay sir yung picture mo kanina?" pananakot pa nito kaya kinabahan ako, pagnagbanta kasi siya ay talagang sineseryoso nya kaya nga lagi nya akong napapa- amin.

"Paano mo nagagawa sakin to Mars?" nakangusong sabi ko pa sa kanya, ngumisi naman siya dahil alam nyang panalo sya.

"Hihi alam mo namang mahal na mahal kita bhes Gino, kaya sabihin mo na," natatawa pang sabi niya sakin habang ipinapakita sakin ang litrato ko kanina.

"P-Pero ayaw kong madamay ka," malungkot na sagot ko pa sa kanya.

"So, si Elvin pala."

"Ha!? Ah paano mo--" gulat na saad ko.

"Pinagbantaan ka na naman nya di ba?"

Tanong pa nito kaya napatango na lamang ako.

"Sumosobra na talaga ang babaeng yan, wag mong sabihin na sinasaktan ka di--"

Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tumango muli ako, kinakabahan ako kaya di ko na halos magamit ang aking boses.

Dahil sa naging sagot ko ay parang dragon na umusok ang ilong ni Mars, napalunok na lamang ako ng ilang beses habang nakatingin sa galit na ekspresyon niya.

"Sabi na nga ba, hindi galing kay Miggs ang kalmot sa katawan mo," aniya habang magkasalubong ang maganda niyang kilay.

Tinanong pa nya ako ng ilang bagay, dahil wala na rin naman akong itatago sa kanya ay nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa aking pasa.

Pansin ko na lalo syang nagalit dahil na niningkit na ang mga mata nito.

"Humanda ang bruhang yan sakin bukas," gigil na bulong niya habang nakayukom ang mga kamao.

Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko nang sinabi ko sa kanya. Mukhang magkakaroon ng gulo bukas.

▼△▼△▼△▼△

3RD PERSON'S POV

Sa isang madilim at tagong lugar ay nagtipon ang maraming kalalakihan. Nakasuot sila ng itim, may sukbit na mga baril sa katawan at handang lumaban.

May isa sa kanilang lahat ang naiiba, Nakasuot ito ng bulaklakang polo na bukas ang harapan at makikita ang puting sando sa loob nito, sa pangbaba naman ay nakasuot lamang ito ng short na tinernuhan ng itim na tsenelas.

🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon