╰44th Catch╮

3.7K 163 10
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰44th Catch╮

"DAD..." 

When she heard Heather call the mister, Dad, she gasped in surprise. She can't believe that she's now going to meet Arq's father. She should've expected that, anyway, but her focused was on Arq and her twin sister, denying her the chance to think about any other things.

Lumapit si Heather sa matipunong lalaki na pumasok sa loob ng silid. Kapansin-pansin ang pagkaistrikto sa itsura ng ginoo kumpara sa kanyang daddy. Malaking lalaki ito at kung tititigang mabuti ay kamukha ito ni Arq.

Nagyakapan ang mag-ama bilang pagbati sa isa't isa. Tumayo siya sa gilid ng kama ni Arq habang hinihintay ang paglapit ng dalawa.

Ngumiti siya nang tapunan siya ng tingin ng ginoo habang palapit ito sa kanila ni Arq.

"Who's this beautiful lady?" He asks as he displays a genuine smile.

"She's Lara. Arqui's girlfriend." Sagot ni Heather para sa kanya.

Sandaling puminta ang gulat sa itsura ng ginoo. Pero kaagad din naman itong nakabawi. "Oh, I see.. Nice to meet you, hija." Anito sabay lahad ng kamay.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Nice to meet you too, s-sir." Nahihiya niyang tugon.

"Call me Uncle Gil, Lara." He suggests as he pulls his hand before turning to Arq and releases an exasperated sigh. "Tsk. I already told the authority for a man-hunt operation. Dire Masters are really testing my limits. Hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto nilang patunayan gayong alam naman nilang hindi sila mananalo."

Kalmado man ang ginoo pero halata ang bawat diin sa mga salita nito. Nakakatakot.

"Perhaps, they want to vanish, immediately. It's not really a good thing but I can sense an all out war between the rival fraternities sooner." Heather responded.

"I already talked to Silver Hawks and Classy Ladies. But I wasn't convinced when they told me that they won't set up a war. I'm afraid I have to get ready to avoid casualties."

Nakaramdam siya ng kaba habang naririnig ang pag-uusap ng mag-ama. Delikado ang pagkakaroon ng paghahamok sa pagitan ng magkalabang grupo. Mabuti kung ang mga ito lamang ang maaapektuhan. Paano na lang ang mga insosenteng madadamay?

Oo nga't nais niyang mapaghigantihan ang nangyari kay Arq subalit hindi niya kakayanin kung may mga maiipit na hindi naman dapat.

Ngunit ang mga taong nasa harapan niya ay mukhang naghahanda na para sa paghihiganti. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Matindi ang natamo ni Arq. Ang totoo niyan ay nasabi ng doktor na kung hindi pa ito tinigilang gulpihin ay tiyak na makakasalamuha na nito si kamatayan.

Ano ba naman itong lugar na napuntahan nila? Akala niya ay magiging maayos ang lahat pero mukhang lalala pa ang mga magaganap sa mga susunod na araw.

"Lara. Lara?"

Kukurap-kurap siyang napalingon kay Heather na matamang nakatingin sa kanya. "Huh?"

"Are you okay, hija? Perhaps, our topic is getting a little morbid?" Nag-aalalang tanong ng ginoo.

Napabuntong-hininga siya. "Um, s-sir... I mean, Uncle Gil. Nag-aalala lang po ako sa mga madadamay sakaling magkaroon ng matinding gulo. Pare-pareho naman po tayong gustong mapaghigantihan ang nangyari kay Arq at sa mga kaibigan nito. Siguro po manghingi na lang tayo ng tulong sa mga kinauukulan. Baka pwede po nating kausapin si Mayor?" Nag-aalangan niyang suhestiyon.

Hindi kaagad nakasagot ang mag-ama kaya medyo nakaramdam siya ng hiya. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang nasabi. Ganonpaman, nais pa rin niyang maisatinig kung ano ang nasa kanyang isipan.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now