╰62nd Catch╮

3.5K 156 46
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰62nd Catch╮

GIGI matches her level of preparation. She indeed sticks to her words that she'll come with her to Georgetown. She goes to the extent of disregarding her enrolment just to execute their plan. The lengths that her best friend would go to protect her are truly remarkable.

Hindi niya alam kyng paano nito napapayag ang mga magulang gayong binabalewala nito ang huling taon sa kolehiyo. Napakalaking sakripisyo ang ginagawa nito para sa kanya.

Nonetheless, they eventually travel to Georgetown with her overly thrilled best friend. Since she acquired her driver's license 3 months ago, she was allowed to bring her mother's car. Thus, gave them the option to travel as if they were on their own.

Despite the long drive, Gigi's energy remained bursting at the seams, infusing their journey with endless fun.

When they reach their house, her reaction screams perplexity, mirroring her initial response when she saw the abode the first time.

"Oh my gosh! Mas malaki nga 'to sa bahay namin." Tuwang-tuwang pahayag nito pagpasok nila sa bahay.

Aliw na aliw rin nilang pinagmamasdan si Gigi habang nililibot nito ang unang palapag.

Mayamaya ay hinihila na nito ang braso niya. "Saan ang kwarto mo? Patingin!"

As expected. Therefore, she ushers her to the 2nd floor.

A loud gasp escapes Gigi's mouth upon entering her room. She makes herself comfortable as she plops down on her bed.

"In fairness, ang lambot ng kama mo. Lumevel up ka ng konti dito sa probinsya, ah?" Sabi pa nito.

Iiling-iling siyang naupo sa tabi ng kaibigan. "Kahit naman kami ni Pearl. Hindi namin akalaing ganito kalaking bahay ang ipapamana sa'min ng lolo't lola namin."

Saglit silang natahimik. Habang pinagmamasdan ni Gigi ang kabuuan ng kanyang silid, biglang pumasok sa kanyang isipan ang tungkol sa pinaplano nito.

"Bessy, uhm... 'wag na lang kaya nating ituloy 'yong plano mo?" Nag-aalangan niyang simula.

Mabilis na kumilos ang kamay ni Gigi para hatakin ang buhok niya.

"Aray ko naman!" Reklamo niyang saad matapos masabunutan.

"Ngayon ka pa talaga aatras kung kailan nandito na ako? Bukas hihiram ako ng screw sa daddy mo para sikipan 'yang tornilyo mo sa utak."

Nanlabi siya sabay sabing, "Baka kasi hindi mag-work. Kilala ko si Arq. Matalas ang pakiramdam no'n. Hindi 'yon maniniwala sa set up natin."

"Duda ka ba sa acting skills ko?" Ngisi ni Gigi.

"Hindi naman sa gano'n. Malakas lang ang kutob ko na hindi talaga 'yon maniniwala."

"Ano ka ba naman, bessy? Hindi pa nga natin nauumpisahan, sumusuko ka na kaagad. Kung sakali mang wala siyang magiging reaksyon bukas, iibahin natin ang diskarte. Ayoko lang na magmukha kang apektado at talunan, 'no!"

They'll be in RDGU tomorrow for the enrolment. Arq and her friends are expected to be there, as well. She's lucky if they wouldn't show up, but being the Queen of Misfortunes, there's a huge possibility that they will cross paths with the Savage.

"Alam mo, bigla ko lang naisip na baka hindi ang reaksyon ni Arq ang pinoproblema mo." Taas-kilay itong lumingon sa kanya. "Siguro mas nangangamba ka sa magiging reaksyon ng puso mo, ano?"

Gigi caught her off guard. Was she really that easy to read?

Honestly, her best friend seems quite right. She's more worried about her reaction towards Arq when it should actually be the other way around. This intensifies the consuming doubt even further.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now