╰8th Catch╮

5.4K 169 9
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰8th Catch╮

.. LARA ..

YUAN'S moment did not end that day. She noticed that the young man has been following her, and in contrast to what she thought about him when they first met, he seems harmless.

To get rid of the awkward feeling whenever they are together, he introduced Yuan to Andy. Confusingly, based on their reactions the two seemed to already know each other. After all, who wouldn't know the guy? Aside from being a basketball varsity, he is also a chess wizard. Not only that he is a good-looking young man, but he is also brainy and really athletic.

Sa kabilang banda naman, si Andy ay kasali pala sa admin ng RDGU Social Club na hindi man lamang nito pinagkaabalahang sabihin sa kanya. Kaya pala lahat ng profile ng estudyante ay alam nito, at kaya rin pala ayaw na nitong makipagkaibigan dahil hindi na pala nito kailangan ang bagay na iyon. Kilalang-kilala na nito ang lahat ng estudyante. 

Kaya pala noong unang araw niya ay hindi nito nagawang mang-snob sapagkat alam nitong bago siya. Ang cool lang dahil trabaho na ring maituturing ang bagay na ginagawa nito kaya kumikita ito habang nag-aaral. Kwento pa nga nito sa kanya na si Greco mismo ang nagbigay ng trabaho dahil nabalitaan nito ang pagiging loner ni Andy at anti-plastic. Kaya hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa dalaga kung bakit nga ba ito ang napansin ni Greco. Hindi kasi ito satisfied na ganon lang ang dahilan ng binata. Kahit naman siya ay nararamdaman niyang may iba pang dahilan. Nang sinabi niyang baka may gusto ang binata dito ay mariin itong tumanggi pero nagbu-blush naman ang gaga. 

Anyhow, when she asked about what it's like working with Arq, Andy was uncertain about her answer.

Hindi daw nito nakakausap si Arq dahil mas dumidirekta ito kay Greco. Kaya isa lang ang alam nito kay Arq— ayaw nito ng tsinitsismis. Pero bakit nga ba gusto niyang malaman ang tungkol kay Arq? Sana lang di ba hindi siya nagiging interesado?

Marami na siyang nalalaman tungkol kina Andy at Yuan, pero ang mga ito ay konti pa lang ang alam sa kanya. Hindi kasi talaga siya palakwento ng buhay niya. Atsaka iniiwasan na rin niyang maging center of attention dahil hindi niya maaangatan ang tunay na center of attention sa RDGU

—ang Savage.

Pilit niyang isinasaksak sa kanyang kokote na wala na siya sa siyudad kaya kailangan na niyang umayos at makisama.

"That girl. She's your sister, right?" Sabi ni Andy sabay nguso kay Pearl na nakapila sa counter ng cafeteria.

Tumango siya. Napangiti rin siya nang bahagya nang makita ang apat na babae na kasama ng kanyang kapatid. Naisip niyang mukhang nage-enjoy si Pearl sa kanilang bagong university samantalang siya ay bihira lang ngumiti nang genuine sa isang buong araw na pumapasok siya.

"Cute siya, ah..." Dagdag pa ni Andy.

Pinanlakihan niya ito ng mata. Alam niyang mas maganda sa kanya si Pearl at talagang mas napapansin ito kapag magkasama silang dalawa, unless mauuna siyang magpapansin. Kaya lang parang may iba siyang naramdaman sa sinabi ni Andy na medyo ikinabigla niya. "Tomboy ka ba?" She accused out of shock. Hindi man niya iyon sinasadya ngunit hindi na niya mababawi ang tanong.

Napataas ito ng kilay. "Excuse me? H-hindi 'noh!" Tanggi nito sabay tawa nang mapakla.

Ngunit kapansin-pansin ang pagkautal nito kaya hindi siya naniniwala sa sagot nito. Iyon na siguro ang bagay na maswerte siya, marunong siyang mag-distinguished ng taong nagsisinungaling at hindi. Kaya hindi kaagad siya nauuto. "No worries, open ako sa mga ganyan." Aniya para mapaamin ang dalaga. Nasisiguro niyang hindi papalpak ang hinala niya ngayon.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now