╰23rd Catch╮

4.7K 205 13
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰23rd Catch╮

.. LARA ..

NGAYON lamang siya nakapunta sa mall ng Georgetown. At sa totoo lang ay hahanay ang pagiging magara nito sa mga malls na napuntahan niya sa siyudad.

"Teka lang, anong gagawin natin dito?" Tanong niya na paniguradong kaiinisan na naman ni Arq.

Sa muling pagkakataon ay hindi pa rin siya nito pinagtutuunan ng pansin. Sa katunayan nga ay nangunguna itong maglakad na parang walang kasama. Kung medyo may topak din siya ngayon malamang ay iniwanan na niya ito. Kahit pa hindi niya kabisado ang lugar ay marunong naman siyang magtanong at mag-commute kaya wala siyang magiging problema. Ang kaso lang, naging problema niya ang kanyang mga paa. Humakbang ang mga ito nang mabilis papalapit kay Arq at kahit na medyo malayo na ito ay nagawa pa rin niyang maabutan. Hinihingal nga lang siya.

Huminto lamang ito nang matapat na sila sa escalator dahil may mga nauuna pa sa kanilang umakyat. 

Doon lamang siya nagawang tapunan ng tingin ni Arq. "Galing ka ba sa marathon?" Nang-aasar nitong tanong.

Tinitigan niya ito nang masama. "Nagtanong ka pa. Ang bilis mo kayang maglakad." Reklamo niya bago umapak sa escalator.

"Seriously? Isn't it just normal."

Sa halip na pansinin pa ang pang-aasar nito'y nilibang na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa paligid. Hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang mga movie posters na nakapaskil. Mahilig silang manood ni Gigi ng sine noong nasa Cresta pa siya. Kaya ang makitang showing na ang second part ng romcom na inaabangan nila'y magkahalong tuwa at lungkot ang kanyang naramdaman.

Nakakalungkot sapagkat malabong mapanood nila ni Gigi iyon sa sinehan.

Dahil sa pag-iisip ay nakaligtaan niyang nasa escalator pa pala siya kaya huli na nang mapansin niyang mali ang kanyang hahakbangan. Mabuti na lamang bago pa siya matumba nang tuluyan at maipit ay nasalo na siya ni Arq.

It seems like she has been watching her all this time to save her from the painful effect of her stupidity.

Dyahe.

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapahawak na lamang nang mahigpit kay Arq. Naramdaman din niya ang maingat na pag-alalay nito sa kanya.

"The heck." She murmured as she gathered herself together.

"If we could only donate wits, I'd be more than willing to share a little bit of mine with you." Arq responded while helping her to stand upright.

Inirapan niya ito subalit hindi naman nito nakita ang bagay na iyon dahil bigla na lamang itong tumalikod.

But honestly speaking, she's humiliated. Arq witnessed how stupid she could be. Maybe, she's secretly laughing at her. And with that in mind, she suddenly mulls over about going home or not.

Pero hindi niya magawa lalo na nang makita niya si Arq na naiinip ng naghihintay sa kanya sa di kalayuan. Kahit pa hiyang-hiya ay sumunod na lamang siya rito.

As they proceed, they stop to wait for a lift instead.

Mukhang hindi na gusto ni Arq na mag-escalator pa sila dahil sa katangahan niya. Baka iniisip nitong may mangyari pang mas malala.

Pareho silang walang imik na sumakay sa glass lift hanggang sa marating na nila ang destinasyon.

Sa Tech Center sila napadpad kaya naisip niyang bibili ng gadget si Arq. Kung bakit pa siya nito sinama doon ay hindi niya alam.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now