╰49th Catch╮

3.9K 146 8
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰49th Catch╮

NAGSISIMULA pa lamang ang kanilang klase pero gusto na niyang matapos kaagad. Isa lang naman ang dahilan kung bakit tila aligaga siya sa kanyang kinauupuan,

—nasasabik na siyang makasabay sa lunch break si  Arq!

Arq's thoughtful gestures continue to impress her, and she finds it hard to believe that someone initially unfamiliar with courting has rapidly gained substantial insights.

"Uy, Lara! Nananaginip ka dyan." Pasikretong sita ni Andy sabay siko sa kanyang tagiliran. Nag-iingat itong 'wag mahuli ng kanilang maestro na nakikipagdaldalan sa kanya.

Kukurap-kurap siyang napabaling sa kaibigan sabay yuko nang bahagya. "Ha? M-may sinasabi ka ba?"

Tumaas ang isang sulok ng kilay nito. "Ayan kasi, kung saan-saan napapadpad ang isip. Tinatanong kita kung bati na ba kayo ni Arq."

"Hmm, oo."

"Bakit parang ayaw mo yatang okay kayo?"

"Hindi naman."

"Ano'ng meron? Bakit ka nagkakaganyan?" Dagdag na tanong.

"W-wala. May iniisip lang ako."

"Nandyan lang si Arq sa kabilang building. Kung makapag-isip ka naman sa kanya akala mo ang layo niyo."

"Hindi naman siya ang iniisip ko." Pagsisinungaling niya kahit alam niyang hindi rin nito paniniwalaan.

Nagkibit-balikat ito. "Okay. Sabi mo, e."

Magsasalita pa sana siya nang mapansin na nga sila ng kanilang maestro. "Fernandez, Alvaro. Care to share your business with the class?" Masungit nitong sita.

Mabilis na natuon ang atensyon ng buong klase sa kanila. Karamihan sa mga kababaihan ay nakangisi at nagbubulungan na tiyak niyang iniinsulto sila.

Umiling-iling siya. "S-sorry, sir." Paghingi niya ng paumahin sabay simpleng siniko si Andy dahil mukha itong walang pakialam sa paninita ng kanilang maestro.

Napatikihim na lang ang kanilang maestro bago ipinagpatuloy ang klase.

Lumapit nang bahagya sa kanya si Andy. Sabay bulong ng, "Isusumbong ko 'yan kay Arq."

"Baliw ka talaga." Aniya atsaka siya natawa nang mahina. Marahan din niyang hinampas ang braso ng kaibigan. Mukhang nagiging pasaway na rin ito.

Nalalapit na ang kanilang preliminary exam kaya panay review na lang ang ginagawa nila sa klase. Hindi masyadong hassle kaya nagagawa pang iokupa ni Arq ang malaking parte ng kanyang isipan.

Nang matapos na ang kanilang klase nagmamadali siyang nagtungo sa opisina ni Arq para yayain itong mananghalian.

She's trying to compose herself as she walks down the corridor. The thought of Shakira in Arq's office and flirting with her girlfriend is starting to settle in her mind. Call her paranoid but it's egging her on to think of obnoxious retort.

When she enters the office, Shakira is nowhere to be seen— so is Arq. Her breathing accelerates as anxiety elevates, knowing that there's another room in the office. She's scared that she may catch them inside in the midst of doing unsightful things.

But she will never know whether her gut feeling is right or wrong if she doesn't go on and find out.

Dahan-dahan siyang pumasok sa opisina at naglakad patungo sa pinto ng silid sa loob. Huminga muna siya nang malalim bago maingat na pinihit ang seradura. Nakahanda na siya sa gagawin sakali mang naroroon nga si Shakira.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now