╰56th Catch╮

4.1K 136 18
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰56th Catch╮

NANG makita niya na pumasok ang kanilang sasakyan sa isang napakalaking gate ay  parang gusto na niyang tumalon mula sa kanilang sasakyan. Hindi niya lang alam kung paano sasabihin kay Arq na ayaw na niyang tumuloy sa bahay ng mga ito. Nasisiguro niya kasing hindi rin naman siya nito papayagan.

BInalingan na lamang niya ang daan na kanilang tinatahak. Tila isang mahabang daanan iyon na binibigyang liwanag ng mga poste ng ilaw. Dahil madilim na ay wala siyang ibang nakikita subaliit sigurado siyang maganda roon kapag umaga.

Hanggang sa muling lumiko ang kanilang sinasakyan at tuluyan na niyang nakita ang napakalaki at napakagarang mansyon.

Makailang beses pa siyang pumikit-pikit sapagkat para siyang nananaginip. Inaasahan na niyang sobrang laki ng bahay ng mga ito- Mayor ba naman ang ama. Ngunit hindi niya inaakalang mas malaki at maganda pala ang makikita niya. Nagmumukha tuloy siyang ignorante.

Nang mapatingin siya kay Arq ay tahimik lamang itong nakatingin sa labas ng bintana.

Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang paghinto ng sasakyan kasabay ng anunsyo ni Arq,

"We're here."

Mabilis na tumalima si Manong Gani para alalayan sila sa pagbaba. Halos ayaw pa niyang kumilos dahil nahihiya talaga siya at para siyang biglang nanliit.

Marahil ay napansin iyon ni Arq kaya binulungan siya nito, "Are you okay?"

"N-nahihiya talaga ako, Arq." Pag-amin niya.

"Bakit naman? Nagkita na kayo ni dad, di ba?"

"Oo, pero hindi ko pa nami-meet mommy mo."

"She's not here. She's in Europe. Sa birthday ni dad mo pa siya mami-meet. So, don't worry." With a confident smile, Arq conveyed assurance.

Breathing out in relief, she quickly envisions potential difficulties upon meeting Arq's mother, as she already deems her a stern person. Taking the father's kindness into account, she struggles to believe that the mother is equally gentle. It's just rare to be with someone who shares the same attitude.

Perhaps, her inclination to compare fiction to reality influences this judgment.

°Judgemental ka talaga, Lara.° Irap ng kanyang ego.

"Oh, may problema pa?" Dagdag pa ni Arq nang mapansin na hindi pa rin siya kumikilos.

Bumuntong-hininga siya. "Nahihiya pa rin ako kahit na nagkita na kami ng dad mo."

"Bakit naman?"

Hindi siya umimik. Iniisip niyang baka magmukha lang siyang engot kapag muling nakaharap ang ama nito, lalo na't hindi siya handa. Kung si Arq ay immune na, sobrang nakakahiya sa daddy nito kapag umiral ang katangahan niya.

"Oy," pagpapatuloy ni Arq bago hawakan ang kanyang baba para iharap ang kanyang mukha rito. "'Wag ka ng mahiya o maging tensyonado. Just be yourself. Walang masamang mangyayari sa'yo kaya 'wag kung ano-ano'ng iniisip mo. Ako ang pinapakaba mo niyan, e."

Siya naman ang nangunot ang noo sabay tanong ng, "Bakit ka naman kakabahan?"

"I'm scared that you might change your mind about me. Kasi... you know. I'm not sure if you can handle the pressure after knowing everything about me."

"Tinatakot mo naman ako niyan, e."

"Kahit ako naman natatakot, but I want to be honest right now. Kahit ako nakakaramdam ng pressure pero hindi ko naman hahayaang mas maramdaman mo 'yon. Kaya ang gusto ko sana, sasabihin mo sakin kung ano man ang problema mo. Para maayos natin kaagad." Anito sabay haplos sa kanyang pisngi. "Natatakot din naman ako pero sana 'wag magbabago ang isip mo. I don't know what to do if you ever think of leaving me." Malungkot nitong dagdag.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now