╰19th Catch╮

4.9K 169 3
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰19th Catch╮

..LARA..

NAKATULALA lamang siya sa kanyang laptop sapagkat hindi niya alam kung ano ang gagawin. Walang ibang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang proposal ni Arq kaya kahit na ang simpleng pagre-research para sa assignment ay hindi niya magawa.

Sa katunayan nga ay kahit sa pagkain kanina ay nawalan siya ng gana kahit pa paborito niya ang ulam na niluto ng ina. Kaya hindi niya masisi na mag-alala ang mga magulang subalit pinalusutan na lamang niyang masama ang pakiramdam para hindi na siya tanungin pa. Tama lang ang naging desisyon na pagsisinungaling sapagkat pinagpahinga siya kaagad ng kanyang ina matapos siya nitong bigyan ng gamot para inumin ngunit palihim naman niyang itinapon. Lihim din siyang umusal ng pasensya dahil sa nagawa.

Sa totoo lang, sino ba ang nasa matinong isip ang matatahimik sa proposal ni Arq? Nang magsabi ito ay para bang laro-laro lamang para rito ang pag-ibig. Nais nito ng madaliang pakikipagrelasyon pagkatapos ay itatapon na lamang siya kapag ayaw na nito. Hindi naman iyon maaari.

It's indeed unfair to her. She never imagined herself playing with love.

The thoughts of Arq only fade when she thinks about Shakira Valentin. Andy told her to make her own research about the ex-girlfriend. So, she immediately starts to type on her laptop and finds Shakira's background. She gasps as soon as she sees the result pops up.

Shakira Aphrodite Ludwig Valentin. °hmm.. Nice name.°

"She's the sole heiress of Ludwig-Valentin fortunes. A CEO of her own company at a young age. A model, fashion-designer... she designed the famous... what the hell?!" Sigaw niya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa bukas na closet.

Napako ang tingin niya sa isang kahon kung saan nakalagay ang pinakamahal na bag na kanyang natanggap mula sa napakayamang kaklase sa DLU nang tulungan niya ito sa napakahirap nitong project. Akala niya ay hindi nito mapagbibigyan ang kahilingan niyang bag subalit nagulat na lamang siya nang regaluhan siya nito ng isang mamahaling bag na sobrang nakakalula ang presyo. Kaya hindi niya iyon ginagamit o tinatanggal sa kahon sapagkat iyon ang pinakaiingatang pag-aari.

"The Amethyst..." Anas niya.

She jolts when her mother knocks on the door before yelling, "Lara! Ayos ka lang ba?"

Alam niyang dahil sa ka-oa-han niya kaya napapanhik ang kanyang ina. "Okay lang ako, 'ma! Good night!" Sigaw niya pabalik atsaka pinatay ang ilaw sa kanyang silid nang sa gayo'y isipin nitong magpapahinga na siya. Hindi na niya pinagkaabalahan pagbuksan ng silid ang ina.

Mabuti na lamang ay hindi na siya kinulit pa. Narinig niya ang papalayong yabag nito kaya alam niyang wala na ito sa labas ng kanyang silid. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa.

The truth has already deprived her of sleep. As she goes on with researching, she becomes more hooked up and nauseous at the same time because of the girl's accomplishments, wealth and power. Who would've thought that Shakira is just twenty-three years old yet she already achieves almost everything every girl ever desires.

Iba na talaga ang nagagawa ng pera at koneksyon.

She cannot help herself but to get envious. She also dreamed of having her own designed bag or dress but reality check, it will definitely take her a lifetime to make that dream come true. Now she has crossed paths with a girl living her dreams and that's ridiculous. Especially, when she thought about Arq's proposal. Will she be able to compete against Shakira?

She takes a deep breath. Although she clearly stated that she would never ever get herself involved in a same-sex relationship, it seems that her beliefs are now being reversed.

Caught by a Beast [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon