╰47th Catch╮

4K 149 14
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰47th Catch╮

HINDI niya inaakalang maaabutan nila sina Andy at Yuan na nagtatampisaw na batis. Halata ang kasiyahan sa itsura ng dalawa samantalang siya naman ay hinayaan ng mga ito na masolo ni Arq— na hindi magandang ideya sapagkat nagdulot lamang iyon ng matinding pagkalito sa kanya ngayon.

Nang makita sila ng mga itong paparating ay lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Andy, kumaway-kaway pa ito na tila ba nang-aasar pa.

Naalala niya ang pahayag nito kanina, "Well, maganda palang nag-aaway kayo para nakokontak kami nitong si Arq at nadadala sa mga magagandang lugar gaya nito." 

Malapit na niyang isipin na binibenta siya ng mga kaibigan para sa sariling katuwaan ng mga ito.

Nakasimangot siyang naupo sa isang tabi. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano'ng gagawin. Gusto niyang makisama kina Andy at Yuan subalit maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Nalulunod na nga ang utak niya sa maraming bagay, baka sa huli ay malunod lamang siya sa batis kapag sumali siya sa ginagawa ng mga ito.

"Lara! Tara na rito!" Sigaw na naman ni Andy na pakaway-kaway pa rin.

Mariin siya umiling.

Sumimangot ito sabay baba ng kamay. "Ang KJ mo! Ngayon na nga lang tayo ulit magbo-bonding, paayaw-ayaw ka pa." Pahabol pa nito.

Konsensyahin man siya ng kaibigan ay hindi na nito mababago pa ang kanyang pasya. Gusto niyang ipagpatuloy ang paggagalit-galitan lalo na't nasa paligid lamang si Arq. Hindi pa ito humihingi ng pasensya. Sa katunayan ay nag-away pa nga sila. Kaya lalo lang silang hindi maayos.

Panaka-naka niyang sinusulyapan si Arq. Nakatayo ito sa batuhan na hindi nalalayo mula sa kinauupuan niya. Abala ito sa pakikipag-usap sa telepono. Hindi man niya makita ang itsura nito sapagkat nakatalikod ito sa kanya, naririnig naman niya ang pagtawa nito. Mabuti pa ito, good mood na.

°Nagseselos ka lang, e.°

Psh. Bakit naman ako magseselos? For all I care. Irap niya sa nang-aasar na ego.

Ibinaling na lamang niyang muli ang atensyon kina Andy at Yuan. Ayaw niyang bigyang-kahulugan ang pagiging malapit ng mga ito sa isa't isa subalit kanina pa niya napapansin na may kakaiba roon. Mukhang may kailangang aminin sa kanya ang kaibigan. Kapag nagkaroon ng pagkakataon na makakausap niya nang solo si Andy ay papaaminin niya ito sa tunay na estado nito at ni Yuan.

Hindi naman siya tutol sa relasyon ng mga ito. Pareho niyang kaibigan ang dalawa. Sa katunayan nga'y bagay na bagay ang mga ito kaya natutuwa siya. Nais lang niyang malaman ang katotohanan.

Sumandal siya sa malaking puno at parang batang nilalaro ang sanga na hawak. Doon niya napansin ang papalapit na si Arq. Inis na inis talaga siya rito ngayon, at sa paglapit nito'y inaasahan na niyang muli na naman silang magbabangayan.

Inirapan niya ito matapos magtama ng kanilang paningin.

"Next time you roll your eyes at me, you will be punished." Arq threatens.

"Hindi mo pa ba ako pinaparusahan sa mga banat mo? Gusto mo pisikalan pa. Hmp! Bigyan mo 'ko ng isang linggo, papatulan talaga kita."

She lets out a shrill laugh. "Would you chill? Atsaka hindi ako pumapatol sa lampa kapag pisikalan na."

Tiningnan niya ito nang masama. "Nakakapikon ka na talaga. Paano ko ba gagawin 'yang chill na sinasabi mo kung segu-segundo mo na lang akong inaalaska! Urgh!"

Sa halip na umimik ay naupo si Arq sa kanyang tabi. Siya naman ay umurong nang bahagya palayo rito nang tuluyan na itong makapwesto.

Hindi iyon pinalampas ni Arq. "Kung makalayo ka naman parang nandidiri ka sa'kin. Hindi lang ikaw ang napipikon, no! Ang hirap mong suyuin!"  Naiinis nitong sambit.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now