╰53rd Catch╮

4K 154 10
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰53rd Catch

THEY end up eating at a fast-food restaurant. Arq can't resist anymore as she's famished. She doesn't want to bother thinking about where else they should eat. 

She originally wanted to go to a restaurant since it was their first date as a couple. However, she lacks the patience to wait an extended period; she can already hear her stomach growling.

Feeling sorry for Arq, she suggests that it's okay to eat at a fast-food place. Thankfully, it didn't bother her at all.

"'Wag ka munang matulog nang maaga, huh?" Biglang sambit ni Arq sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.

Nagtatakang napalingon siya rito. "H-huh?"

"Sabi ko 'wag ka munang matutulog nang maaga. Hindi naman kita pupuyatin pero 'wag ka muna kaagad matutulog pag-uwi mo." Paliwanag nito.

Sa kabila ng pagkalito ay nagawa pa rin niyang tumango. "A-ano ba'ng meron?"

Nagkibit-balikat si Arq. "Gusto ko lang na sabay tayong matulog. Kaso may gagawin pa ako."

"Ano?! 'Wag mong sabihin na pupunta ka na naman sa bahay?" Bulalas niya.

"No." Umiling-iling ito. "Hindi ba pwedeng mag-usap tayo sa phone o kaya video chat bago matulog? Gusto mo kaagad magkatabi tayo. Well, that's a better idea, though." Pahayag nito na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Alam mo, Arq. Puro ka kalokohan." Aniya bago nagpatuloy sa pagkain.

"Kung puro ako kalokohan, sana hindi kita siniseryoso." Banat na naman nito atsaka sumubo ng pagkain.

Napaubo siya nang bahagya at napatingin nang masama kay Arq. "Itigil mo na 'yang kaka-research mo tungkol sa panliligaw or such. Nasosobrahan ka na. Ginagalingan mo masyado."

Humalkhak ito. "Isn't it cute? You always blush towards my endearing phrases. Gustong-gusto ko kapag kinikilig ka sakin. At dapat sakin ka lang kiligin ng ganyan, all right?"

"Dinaan mo pa 'ko sa kakaganyan mo. Ah, basta tumigil ka na sa pagre-research."

Nag-pout ito. "Okay. Anyway, don't change the topic. Do you want me to sleep in your house again? The room across yours was like my room. That's why I didn't have a hard time sleeping there. Pero mas masarap matulog sa kwarto mo katabi ka."

"Asa ka, Arq. Hindi na ulit mauulit 'yon!" Protesta niya.

"Let's see. Hindi pa nga tayo no'ng nangyari 'yon." Sabi nito at umurong sa tabi niya para bumulong, "Pano pa kaya ngayong tayo na?"

Kinilabutan siya sa ginawa nito kaya mabilis na nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito pero, siya, hindi niya gusto ang bagay na naiisip.

°Dumudumi isip mo, ah?° Puna ng nagwawalis niyang ego na animo'y winawalis nito ang mga kaisipang nagbibigay-kasalanan sa kanya.

"Diyos ko, kilabutan ka sa pinagsasabi mo, Arq." Sambit niya na mukhang nakapagpasama lang sa kanya.

Arq's forehead wrinkles as she feigns an innocent look. "We're just sleeping together. What's terrifying about that? Unless you're thinking about something."

Tuluyan na siyang natigilan sa pagkain. Sa halip ay sumandal na lamang siya sa kinauupuan habang nakahalukipkip at bahagyang nakasimangot. "Sige, asarin mo pa 'ko. Hindi talaga kita papansinin." Banta niya. Hindi na talaga niya nagugustuhan ang itinatakbo ng kanilang pag-uusap.

"Papansinin mo rin ako. Kailangan lang kitang pakiligin." Banat nito na tila hindi alintana ang kanyang pagsimangot.

Tinaasan na niya ito ng kilay at tiningnan nang masama. Subalit hindi niya matatakot si Arq sa ganong ekspresyon. Tinawanan lamang siya nito sabay kurot sa kanyang pisngi. "Sige na nga, titigil na ako. Don't get mad, honey. Hmm..." Paglalambing nito.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now