╰6th Catch╮

5.9K 185 1
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰6th Catch╮

"SHE'S Rogue Arquinn. Mas kilala bilang Arq." Panimula ni Andy nang itanong niya ang tungkol sa substitute na hindi man lamang nag-abalang magpakilala kanina.

"Arq? Bakit naman Arq at hindi Rogue ang pagkakakilanlan sa kanya?" Aniya. Kung pagbabasaehan niya ang itsura nito, mas bagay dito ang pangalang Rogue— maganda pero mukhang kontrabida.

"Anong magagawa natin kung Arq ang gusto niyang gamiting pangalan?"

"Mas bagay sa kanya ang Rogue. Bagay na bagay sa ugali."

"Grabe ka naman. Ugali kaagad? Pero agree ako sa'yo." Tumatawang pagsang-ayon ni Andy.

"See? I told you." Natawa rin siya habang nagpapatuloy sa pagkain.

Kasalukuyan silang naglu-lunch ni Andy. Mabuti na lamang ay may isang oras silang bakante pagkatapos ng kanilang second class. Hindi niya kasi nagawang makipagkwentuhan kay Andy dahil sa terror na substitute teacher nilang si Rogue— o mas kilala sa pangalang Arq. Pero mas terror pa pala ang second prof nila na halos lahat ay pigil ang hininga habang nasa klase dahil ayaw ng prof na nakakarinig ng kahit anong ingay. 

As if sounds for that professor are a great distraction in his class.

Kaya ngayon ay lulubos-lubusin na niya ang pagtatanong tungkol sa Rogue. Ayaw sana niyang maging judgmental pero wala siyang ibang maisip na maganda tungkol sa taong iyon dahil una pa lang niya iyong nakita ay pangit na ang pag-uugali. 

Her face turns into a frown as she recalls the day that Arq deliberately pressed her phone against her cheek. "Estudyante ba 'yon dito?" She asks in annoyance.

"Graduate na 'yon two years ago, dito rin. Kaya lang nandito 'yon kasi tinutulungan niya 'yong kaibigan niya sa pamamahala nitong University."

"K-kaibigan niya ang may ari nitong RDGU?" Gulat niyang pahayag at mukhang napalakas pa ang pagkakasabi niya dahil bigla silang pinagtinginan ng ilang estudyanteng malapit sa kanilang table.

Tinapik ni Andy ang kanyang braso. "'Wag kang maingay dyan. Baka sabihin nila pinagti-tsismisan natin ang Savage."

"Savage?" Pabulong niyang tanong. 

Kinabahan na siya bigla. Parang ayaw na niyang pag-usapan nila si Arq. Pero curious kasi siya.

"Oo. Savage." Tatango-tangong sagot ni Andy. "'Yang grupo ng apat na 'yan, Savage ang tawag. Sabi ipinangalan lang daw ng mga tao sa kanila 'yon dahil laging basag-ulo daw ang alam nilang gawin. Pare-parehong graduate na 'yang mga yan at ang sabi lang naman kaya laging magkakasama 'yang apat dahil tinutulungan nila si Greco De Grazias sa pamamahala nitong RDGU."

"Wow, ah. Rich kids. Walang ibang alam gawin. Kaya pala ang lalakas ng loob gumawa ng gulo dahil pinamamahalaan pala nila itong RDGU." Naiinis niyang komento.

Para sa kanya, may ibang mas maayos na pamamalakad sa eskwelahan kung ang isang tao ay nasa matinong pag-iisip. Hindi sa sinasabi niyang hindi matino ang pag-iisip ng mga taong namamalakad sa eskwelahan nila. Wala namang mali bukod sa maling-mali ang laging kaguluhang nagaganap na involve pa ang apat na iyon. Porque ba isa sa mga iyon ang literal na may-ari ng RDGU?

It's just not fair.

"Actually, tama ka. Kahit ako naiinis din. Kasi dapat namahala na lang sila ng boxing arena kesa naman dito pa sila nagbabasagan ng mukha."

"Tama. Lalo na 'yong Rogue na sabi mo. Kababaing tao..."

"Oh yeah? I'm a girl, but I never blethered."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now