╰13th Catch╮

5.4K 167 7
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰13th Catch╮

.. LARA ..

MONDAY. She has a feeling that the week has started to be unfavorable for her. 

Mas maaga sa 7am nang dumating siya sa RDGU. Dumiretso kaagad siya sa main building, partikular na sa fourth floor. Wala siyang nadatnang tao pero hindi iyon dahilan para mag-petiks siya. Kaya kahit walang nag-utos sa kanya ay sinimulan na niyang gawin ang nararapat na paglilinis.

Since she has already planned to spend the whole day cleaning the room, she didn't hesitate to bring her own food to avoid skipping meals. That being said, she has to use a backpack rather than her usual shoulder bag, and it is quite bulky. Pearl noticed it but she ignored her query.

Mabilis na lumipas ang oras lalo na't punong-puno siya ng enerhiya. Kung hindi niya nasulyapan ang relo ay hindi niya mapapansin na alas-dose na pala ng tanghali. Napagpasyahan niyang magpahinga na muna kahit na hindi pa naman niya ramdam ang pagod at gutom. Pero hindi na niya nais pang maramdaman ang mga bagay na iyon, baka kapag hindi siya huminto ay bigla na lang siyang himatayin.

Kahit na maarte siya'y walang pag-aalinlangan pa rin siyang naupo sa lapag. Malinis na rin naman kahit papano ang silid kaya walang problema. Inilabas niya mula sa malaking bag ang mga container ng pagkaing baon.

Habang kumakain ay panay ang sipat niya sa silid na nililinisan. Mas mabilis ang paglilinis niya ngayon kesa sa inaasahan. Nais na nga niyang tapusin ang gawain ngayong araw lalo na't nakakatuwang isipin na magbabalik na ang lahat sa normal kinabukasan sakali mang matapos na talaga siya.

Hindi pa man din niya nae-enjoy ang pagkain nang may marinig na siyang mga yabag. 

It's still an accessible part of RDGU but there's only a little chance for a random student to reach the floor, especially if they are aware that it's a sorority hall.

Naramdaman niyang may presensya sa kanyang likuran kaya nilingon niya iyon para lang makita si Arq na nakasandal sa pintuan. Hindi man ito nakatingin sa kanya ay na-conscious pa rin siya sa sariling itsura.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang siyang naubo. Dahilan para magtalsikan nang bahagya ang kinakain mula sa kanyang bibig. 

Hiyang-hiya siya sa nagawa ngunit hindi pa rin siya nililingon ni Arq. Mukhang wala itong pakialam. Uminom siya ng tubig atsaka pinunasan ang kanyang bibig. Kahit na hindi siya nito tinatapunan ng tingin alam niyang mapag-obserba ito.

"Guess we made the right choice. I didn't know that a brat like you knows how to clean a large room." Malamig na bungad nito.

Nakatingin lang siya rito habang papasok ito sa silid. Dumiretso ito hanggang sa likod na lang nito ang nakikita niya. Napakatangkad talaga nito at kailangan pa niyang itungo nang matindi ang kanyang ulo. 

Arqui is an obvious cause of stiff neck.

"Hmm..." Naririnig niyang anas nito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid.

She just went here to annoy me, I guess.  She shrugs as she continues to digest her food before she could lose her appetite. 

Inaabangan na niya kung anong insulto na naman ang papakawalan ng bibig ni Arq para nakahanda na siya. Subalit hindi nangyari ang bagay na iyon. Nagulat na lamang siya nang diri-diretso ring lumabas si Arq mula sa silid. 

Gusto niyang magpasalamat. Okay nang ganon na lang lagi, okay nang parang hindi siya nito nakikita. Mas mapapanatag na ang buhay niya kapag hindi na lamang siya nito papansinin.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now