╰36th Catch╮

4.2K 137 0
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰36th Catch╮

"HOY, Arq!" Nababahalang sigaw niya para sawayin ito sa ginagawa.

Nilingon siya nito matapos mahubad ang pang-itaas na damit. At sa muling pagkakataon ay tumambad na naman sa kanyang harapan ang nakakainggit nitong katawan.

Tinalo ng abs nito ang abs ng mga lalaking nakilala niya. Bukod doon ay nahagip ng kanyang mga mata ang kalahating bahagi ng tatto nito sa puson.

"Every time I get here, I always dive into the water. It's cool." Arq said while smiling.

Kaagad niyang ibinalik ang mga mata sa mukha nito. Baka kung ano na lang ang maisip ni Arq at masabi pa nitong pinagsasamantalahan niya ito. Kabisado na niya kung paano ito mag-isip.

Tumikhim siya. "Hindi ako maliligo kung binabalak mo akong isali dyan sa trip mo." Tanggi niya kahit hindi naman siya tinatanong.

Sumimangot ito. "Kaya nga kita dinala dito para makisali sa trip ko."

"Arq, wala ka namang sinabi sakin na maliligo tayo. Wala akong dalang damit pamalit."

Arq crossed her arms. "Of course you have. In my car." She informed, nonchalantly.

"Paano ako nagkaroon ng damit sa sasakyan mo?" Nagtataka niyang tanong.

Naisip niyang galing ito sa kanila kanina. Hindi kaya nanghingi ito ng damit niya sa mommy niya. Pero malabong mangyari iyon dahil nakakahiya iyong gawin. Maliban na lang kung medyo matigas ang mukha ni Arq.

"Teka, kumuha ka ba ng damit ko sa'min kanina?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I just met your family the other night. But that doesn't mean that I could just walk into your house and take whatever I desire."

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Gusto lang niyang makatiyak kaya siya nagtatanong. "E, bakit nga ako may damit sa sasakyan mo?"

"Same as when I was able to provide a dress for you to wear at the party."

"Bumili ka na naman? Pwede ka naman kasing magsabi na lang para ready ako sa mga susuotin ko."

"That would rub out the element of surprise."

"Napakagastos mo." Naiiling niyang komento.

Hindi naman kasi nito kailangan pang gumastos para masurpresa siya. Dapat nga ay hindi siya nito sinasanay sa mga bagay na alam nilang pareho na hindi naman magtatagal.

"Atsaka bakit naman kasi na sa dinami-dami ng pupuntahan natin ngayon, dito pa ang napili mo? Hindi pwedeng maiiba 'yong damit ko. Malalaman nila dad na iniwan ko si Pearl sa RDGU."

"You're complaining as if you didn't like being here."

Hindi siya nakasagot. Totoo namang gusto niyang naririto sila pero mali ang timing nito. Palagi naman kasing naka-plano na ang lahat ng mga gagawin nila kaya nakahanda ito at siya ay hindi.

Ang katwiran nito ay dahil gusto siyang masurpresa. Hindi nga ito nagkamali dahil palagi talaga siyang nasu-surpresa.

Pero sa totoo lang, natutukso rin siyang lumusong sa napakalinaw na tubig.

Arq contemplates for a while. And then she strides back to her, rubbing her nape. "All right, I'll get the clothes."

Maglalakad na sana ito pabalik kung saan nakaparada ang sasakyan nito nang pigilan niya. "Teka, babalik ka doon nang nakaganyan ka? Okay ka lang?"

"Why? What's the problem with my appearance? Madalas naman akong nagjo-jogging dito na nakasuot lang ng sports bra with matching yoga shorts."

"Seryoso ka?"

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now