╰68th Catch╮

3.7K 150 7
                                        

◈ Caught By A Beast ◈

╰68th Catch╮

ALTHOUGH a match for Lara's blood type was finally found, and even after the successful operation, Lara remained in a state of coma. Had she received the blood transfusion sooner, her condition might have been different. She could've been awakened by this time. Unfortunately, the prolonged quest for a suitable blood donor due to the rarity of her blood type resulted in some complications.

Despite everything, their hope remains unwavering that Lara will wake up one day. She needs to be strong.

Sa kabilang banda, patuloy naman ang imbestigasyon ukol sa pangyayari. Naging mahigpit na rin ang kanyang ama sa pagpapatupad ng batas nang sa gayon ay mahuli na ang kriminal. Kabilang rin ang CLL at Silver Hawks sa pagtulong sa paghahanap sa may sala subalit hanggang sa mga oras na iyon ay parang walang progreso.

Gustuhin man niyang kumilos subalit mas importante sa kanya ang kalagayan ni Lara. Naroroon man ang pamilya nito, mas ninanais parin niyang manatili sa tabi nito hanggang sa sigurado na siyang maayos na ito.

 Natatakot siyang baka kapag umalis siya ay wala na siyang babalikan.

"Arq, kumain ka na muna." Anyaya sa kanya ng Daddy ni Lara.

Throughout all these days, she never heard him speak softly to her until today.

Nilingon niya ito at ginawaran ng isang mapaklang ngiti bago tumugon ng, "Okay lang po ako. Hindi pa naman po ako gutom."

Hindi man siya kumakain, hindi naman siya nakakaramdam ng gutom at panghihina. Hinding-hindi siya makakakain nang maayos hangga't hindi gumigising si Lara.

Tinapik siya ng ginoo sa kanyang balikat. Bumuntong-hininga sabay sabing, "You know honestly, I got mad at you. Lalo na noong masabi sa'kin ni Gigi na may kinalaman ka kung bakit nangyari ang bagay na 'to sa anak ko. Galit na galit ako noong mga panahong iyon at natanong ko ang sarili ko kung bakit nga ba nagawa kong ipagkatiwala ang anak ko sa isang taong tulad mo," Huminto ito atsaka siya tiningnan nang makahulugan.

Dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito'y napayuko na lamang siya. Yeah.. Tulad ko a wimp.

"...na hindi naman pala kayang protektahan ang anak ko. Bilang mga magulang ni Lara, hindi mo naman kami masisisi kung nakapag-isip kami nang ganon sa'yo, hindi ba?" Dagdag pa nito na tila pinipigilang maging emosyonal.

Tumango siya bilang tugon bago muling sinulyapan ang wala pang malay na si Lara. I'm so sorry, honey. I'm such a coward.

"Ganonpaman, alam kong naging maligaya sa piling mo si Lara. Kakaibang saya ang dulot ng relasyon niyo sa kanya. Hindi namin siya nakitang gano'n pero medyo naging pasaway nga lang siya. But we're here to support her in whatever makes her happy. Gano'n din kay Pearl. That's all that matters to us. Kaya kahit na gustohin kong saktan ka at ipagdamot na makita si Lara, alam kong ikaw pa rin ang unang hahanapin niya kapag nagising siya." Lumapit ang ginoo kay Lara para hawakan ang kamay nito. "..kapag naging okay na siya at ikaw na talaga ang pinili niyang makasama, alam kong hindi maiiwasan ang mga aksidente o ano pa mang masasamang pangyayari, pero pwede ba, Arq..." anito bago tuluyang mapaiyak. "...p-pwede ba'ng 'wag naman ganito kalala? Pwede bang alagaan mo na siya sa paraang hindi namin nagagawa bilang mga magulang niya?"

She never intended to witness a parent's tears, but now she realizes that her own pain is insignificant to what Lara's parents must be experiencing. Honestly, when she saw her mom break down the moment Lara was declared comatose, her heart shattered a thousand times.

On the flip side, she considers herself fortunate because Lara's parents are incredibly understanding, despite her failure to protect her.



Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now