╰30th Catch╮

4.9K 166 7
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰30th Catch╮

..LARA..

"WE'RE going out."

Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan sa gulat dahil sa biglang pahayag ni Arq matapos nitong manahimik at ituon ang atensyon sa kung anong meron sa desk nito.

Bago ito maging abala ay pinahintulutan siya nitong manood sa laptop na pag-aari nito. Ito na rin ang namili ng kanyang panonoorin na sa una ay hindi niya gusto pero habang tumatagal ay napagtanto niyang napakaganda ng istorya.

She's been so engrossed that she gets startled once Arq speaks.

Napataas siya ng tingin. "Huh?" Naguguluhan niyang tanong kahit narinig naman niya ang sinabi nito.

Arq stands up and takes a glance at her. "I said we're going out. May meeting kami, and since today's Friday, may house party kami sa Le Grandè. Subdivision 'yon dito. Malamang nandoon mamaya si Shakira kaya kailangan mong sumama." She stated further.

Hindi siya sumagot.

Ayos lang naman kung pupunta siya doon lalo pa't naroroon si Shakira. Kaya nga sila nagpapanggap sapagkat iniiwasan ni Arq si Shakira. Kung hindi siya sasama, tiyak na lalapit at lalapit ang babaeng iyon kay Arq. Tuluyan na talaga siyang mapapasubo ngayong gabi.

Pero paano siya magpapaalam sa kanyang mga magulang? Tiyak na medyo mahihirapan siya gayong parang ayaw ng kanyang daddy kay Arq.

"Don't think of a lie to tell your parents. Tell them you're going to a party with me." Arq interrupts her from pondering.

She's really good at reading people's minds.

"Pano kung hindi sila pumayag?"

Mataman siya nitong tiningnan. Hindi niya malaman kung anong klaseng emosyon ang nakaukit sa mukha nito. Dapat siya ang tumititig dito ng ganon dahil ito ang may kasalanan sa kanya. Hindi pa kaya sila nagbabati.

"Then, we can't do anything about it. At least, kahit papano hindi nila iisiping nagsisinungaling ka para lang makasama ako."

Napalunok siya. Madali lang namang intindihin ang sinabi ni Arq, kung literal na iintindihin iyon. Kaya lang minsan kasi ay may ibang kahulugan ang mga sinasabi nito. At hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis sa kaisipang tila pinapakahulugan nitong gustong-gusto niya itong makasama.

Pero, ayaw nga ba niya itong nakakasama?

"Sige na. I-text mo na o kaya tawagan ang daddy mo habang maaga pa. You can use the other room for that matter."

Kibit-balikat na lamang siyang sumunod sa utos nito.

Nang makapasok sa silid kung saan siya nakatulog ay inisip niya kung tatawagan ba o ite-text na lang ang kanyang dad.

Either way, she's sure enough that her daddy won't allow her to go somewhere. But she has to try somehow, so she decides to take the first option.

After three rings, her dad finally picks up the call. This is the first time she feels so nervous hearing her father's voice.

"Yes, Lara? Papunta na ako dyan para sunduin kayo ni Pearl." Pahayag ng kanyang ama.

"Dad... uhmmm.. A friend is inviting me to a party tongiht. Actually, sabay na kaming pupunta doon after class. Ahh, pwede po ba akong sumama?" Nag-aalangan niyang paalam.

"Saan 'yan?" Tanong ng ginoo sa tonong alam niyang hindi ito nakangiti.

"Sa... sa may Le Grandè, dad. Subdivision daw po 'yon."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now