◈ Caught By A Beast ◈
╰70th Catch╮
... LARA ...
THE event seemed so fast.
As soon as she was out of the office, she soaked herself in the pouring rain.
What Arq did was exactly what she had been anticipating. Her tight embrace accompanied by her gentle pleas should've been sufficient reasons for her to stay but, she eventually disregarded it.
She even remained stiff while Arq was calling behind her.
But she was not deaf when somebody shouted Arq's name.
Paglingon niya sa taong iyon ay kaagad siyang nakaramdam ng pananakit sa dibdib. Tila ba saglit iyong tumigil sa pagtibok kasabay ng pagsikip ng kanyang paghinga. Dahan-dahan siyang napayuko para makita ang pulang mantsa sa kanyang uniporme.
"Lara!"
Paglingon niya sa pinanggalingan ng tinig, nakita niyang patakbo sa gawi niya sina Andy at Pearl. Halata sa itsura ng mga ito ang takot at pangamba. Nakikita niyang nagsasalita ang dalawa ngunit hindi niya marinig ang sinasabi ng mga ito.
Numbness gradually engulfed her, leaving nothing but the image of Arq's mesmerizing bluish-violet eyes in her mind before she collapsed.
"Doc!"
"Give me that!... okay... One... two..."
"Doc! Her heart rate's..."
"Lara! Stay!"
"Ate!"
"Lara, kapag bumitaw ka susundan kita sa langit!"
"Honey...love..."
A thousand bolts surge through her system, with her body pulsates fiercely in response. In a matter of minutes, she manages to gradually open her heavy eyes and mumble a word that she couldn't comprehend.
Naramdaman niya ang pagyakap ng kung sinoman. Medyo nahihiwagaan siya sa kung anong nangyayari kaya hindi niya magawang tumugon. Ngunit nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang dibdib, napaungol siya nang mahina.
Tila nagkaroon ng pagpapanik sa silid at kaagad ding lumayo ang taong yumayakap sa kanya. Pumalit naman ang mga taong naka-uniporme ng puti. Hanggang sa muli siyang mawalan ng ulirat.
"M-mom.." she barely uttered once she was awake again.
Bago siya tuluyang magmulat ng mga mata'y naririnig na niya ang tinig ng ina. Ang tanging malinaw lamang ay ang pagtawag nito sa kanyang pangalan; hindi niya maintindihan ang ibang sinasabi nito.
Umiiyak ang kanyang ina habang nakatitig sa kanya. Pinilit niyang ngumiti at hinaplos nang marahan ang pisngi nito. "M-mom, don't cry. B-buhay pa po... ako..." Medyo hirap niyang sambit.
Lalong lumapit sa kanya ang ina. "Shh... I know, baby. Natutuwa lang akong malaman na ligtas ka." Sumisinghot nitong sabi habang pinupunasan ang pisngi. "...sabi ng doktor kailangan mo pa raw magpahinga."
Napailing siya. "Hindi ko na kayang tumagal ng nakahiga lang, mommy. Kelan po ba ako pwedeng lumabas?"
Bumuntong-hininga ang ginang at ito naman ang humaplos sa kanyang buhok. "Wala pang sinasabi ang doktor, hija. May ilang tests pa silang ginawa dahil kailangan nilang masiguro na pwede ka na talagang lumabas."

YOU ARE READING
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...