╰43rd Catch╮

3.6K 134 0
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰43rd Catch╮

KINABUKASAN, nang masalubong niya si Zach sa corridor ay kinuha niya ang pagkakataong iyon para magpasalamat dito.

"Zach! Teka lang." Tawag niya nang akma itong lalagpas sa kanya.

Nang tumigil ito sa tapat niya ay napansin niyang pawisan ito. May nakaipit na soccer ball sa tagiliran nito kaya naisip niyang mukhang abala ito sa paglalaro.

"Hey, Lara! What's up?" Nakangiti nitong bati.

"Okay na 'ko. Salamat nga pala sa pagdala sa'kin sa clinic kahapon." Nahihiya niyang tugon.

"It's okay. Kahit sino naman siguro gano'n ang gagawin. Nagkataon lang din talaga na padaan ako kaya nakita kita kaagad. How's your wound?" Kunot-noo nitong tanong habang nakaturo sa noo niya.

"I'm good. Nothing to worry about." Nakangiti niyang sagot.

"Good to hear. Anyway, I'm headed to the soccer field. Ikaw?" Pag-iiba nito.

"Uhm, kakatapos lang ng klase ko kaya makikipagkita ako kay Arq."

"Okay. I think I should go. Baka hinahanap na 'ko sa practice."

Tumango-tango siya. At pareho na silang naglakad sa magkaibang direksyon para magtungo sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Nagtungo siya sa opisina ng Savage para tingnan kung naroroon si Arq. Subalit wala siyang nadatnan na kahit sino roon. Dahil mahaba pa naman ang oras bago ang susunod niyang klase ay nagpasya siyang umakyat sa sorority hall. Pero ang tanging nadatnan niya ay ang klase ni Hilary.

Dismayado siyang bumaba mula sa 4th floor. Wala na siyang alam na ibang tambayan ni Arq kaya nagpasya siyang i-text ito. Nang tuluyan na siyang makababa sa unang palapag ay kaagad nangunot ang kanyang noo sa pagtataka nang maabutang tila nagkakagulo ang lahat ng estudyante. Nagtatakbuhan ang mga ito sa iisang direksyon.

Sa katunayan, biglang kumabog nang malakas ang kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Dahil wala siyang nakikitang kakilala sa mga nagtatakbuhan ay isinantabi na lamang niya ang kahihiyan at humila ng isang estudyanteng patakbo sa kanyang direksyon.

"Hey! Ano'ng meron?" Kaagad niyang tanong.

"S-savage!" Sigaw nito na halata ang takot sa mga mata.

Lalo siyang kinabahan at sa halip na magtanong muli ay napatakbo na rin siya sa direksyon kung saan tumatakbo ang mga estudyante.

Savage? Ano na namang meron?

Pakiramdam niya ay parang walang hanggang daanan ang tinatakbuhan niya kahit na ang totoo'y hindi malayo mula sa gusaling pinanggalingan ang gate 2 ng unibersidad. Dagdag pa ay tila pinagpapawisan siya nang malamig.

Hanggang sa mapansin niyang halos lahat na ng estudyante ay nagkukumpulan sa gate 2 kaya walang pagdadalawang-isip siyang sumingit para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

The moment she reaches the front and sees what's going on, her heart just exploded, leaving her stone deaf as she stands still. The surroundings instantly move in slow motion. Her system stops functioning. And if it weren't only because somebody bumped her, she wouldn't be back to reality.

"ARQ!" She finally blurted out before scooting down towards Arq, who was lying on the ground. She puts her head on her lap while tapping her face, trying to wake her. "Oh, Gosh! Arq!"

Napansin na rin niya ang tatlo nitong kaibigan na pare-parehong nakahandusay sa lupa. Para siyang mahihimatay sa nakikitang duguang itsura ng mga ito.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Ano ba!" Sigaw niya sa mga estudyanteng nasa paligid.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now