╰2nd Catch╮

11.3K 262 7
                                        


◈ Caught By A Beast ◈

╰2nd Catch╮

HUMAHANAP siya ng dahilan para hindi magustuhan ang lugar, pero dahil nakatulog siya nang maayos at kapayapaan ang unang bumungad sa kanyang paggising, nararamdaman na niyang mabibigo siya sa kanyang agenda.

Pagsikat ng araw ay hindi na magkamayaw ang kanyang ina at si Pearl sa paghahanda. Akala niya sa kanilang paglipat ay saktong nagdiriwang ng fiesta sa lugar. Iyon pala'y dahil masyadong mapapaniwalain lang ang kanyang ina sa mga tradisyon kaya naghanda ito ng munting salo-salo para daw maging maayos ang pagtira nila sa bagong nilipatan. Na nangangahulugan ding dapat maging friendly sila sa mga kapitbahay. Kaya kahit nahihiya siya ay sumama pa rin siya kina Pearl at sa kanyang ina sa pagbibigay ng mga pagkain at pagpapakilala sa kanilang mga kapitbahay.

Nakasimangot siya habang naglalakad sila pero kapag may kaharap na silang ibang tao ay ngumingiti naman siya. Gaya ng inaasahan, maagang nagigising ang mga tao sa lugar. May mga nagjo-jogging din katulad sa Cresta at mga naglilinis na ng kani-kanilang bakuran. Ang wala lang siguro sa umaga rito ay ang kumpulan ng mga tsismosa. Kung saan malaking puntos para sa kanya.

Sa unang bahay sa kaliwa sila nagpunta. Saktong may lumabas na babae mula sa likod-bahay na halata ang pagtataka sa mukha nang sila'y makita. "Uhh... Ano hong sadya nila?" Tanong nito nang makalapit sa kanila. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang mommy at mukhang nagga-gardening ito sa likod-bahay base sa suot nito at sa gloves nitong puro mantsa ng lupa.

"Magandang umaga sa inyo. Kami 'yong bagong lipat dyan sa kabilang bahay." Bati ng kanyang ina sabay turo sa kanilang bahay na visible pa kahit na may harang na ilang naglalakihang puno mula sa kanilang kinalalagyan. "G-gusto sana naming makilala ang mga kapitbahay namin kaya eto, oh, nagluto ako para sainyo." Dagdag pa nito sabay offer ng dala nilang pagkain.

Animo'y nagliwanag ang mukha ng babae sa narinig atsaka ito ngumiti sa kanila. "Oh! Welcome, welcome sa Villa La Rivas! Halikayo at dito tayo sa loob ng bahay." Sabi pa nito sabay muwestra sa kanilang pumasok sa bahay nito.

Nakasunod sila sa ginang papasok ng bahay. Kaagad siyang namangha sa laki ng bahay nito sa loob. Nature ang theme ng bahay. Green kung green. Nakaka-relax sa paningin ang kulay ng pader at ng mga kagamitan. Talagang makikitang eco-friendly ang nakatira na kahit hindi man sabihin ay alam niyang recycled materials ang karamihan sa mga displays nito.

"Maiwan ko muna kayo saglit. Maghuhugas lang ako ng kamay." Paalam nito sa kanila. "Feel at home!" Pahabol pa nito bago mawala sa kitchen doorway.

May sasabihin pa sana ang kanyang ina pero hindi na nito naituloy pa sa biglaang paglalaho ng ginang. Nagkibit-balikat na lamang ito at nilapag sa coffee table ang iaabot sanang tupperware na naglalaman ng pagkain. Naupo silang tatlo sa isang mahabang sofa at hinintay ang pagbabalik ng ginang. Hindi rin nagtagal ay nakita na nila itong palabas ng kusina na mas maayos na ang suot at wala ng gloves sa mga kamay. Lumapit ito sa kanila at naupo sa pang-isahang sofa sa tabi lang din ng kanilang kinauupuan. "Sorry, may ginagawa kasi ako sa garden ko. By the way, I'm Mercy pero Uye ang tawag sakin ng mga kakilala ko." Panimula nito at inabot ang kamay nito sa kanyang ina.

Pinaunlakan ito ng mommy niya. "Geneva. Ito ang mga anak ko, si Lara at si Pearl." Pagpapakilala sa kanila nito na ngiti lamang ang tangi nilang naisukli.

Nginitian din sila ni Aling Uye atsaka muling nilingon ang kanilang ina. "I see. You have beautiful daughters. Anyway, buti naman at naisipan na ng dalawang matanda na patirahan ang bahay na iyan? Noong nabubuhay pa sila, madalas kong marinig na kakwentuhan nila ang mga magulang ko at sinasabing ibebenta na lang daw ang bahay dahil walang balak na ipamana sa mga anak." Diri-diretsong kwento nito.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now