╰60th Catch╮

3.4K 145 22
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰60th Catch╮

TILA nabawasan ang pananabik niyang magbalik sa Cresta at makita ang matalik na kaibigan ngayong bakasyon. Gulong-gulo ang kanyang isipan habang nasa byahe. Sa totoo lang, parang gusto na lang niyang magkulong sa isang silid hanggang sa tuluyang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.

Kung gaano man katagal, iyon ay hindi niya alam.

Kasama niya si Pearl na magbabakasyon kina Gigi. Alam niyang may ibang plano ito kaya ilang beses niya itong kinumbinsi na magiging maayos siya kina Gigi. Ngunit sa huli ay pinilit pa rin nitong samahan siya. Malaki na ang utang niya sa kapatid dahil sa ginawa nito para sa kanya.

Nasa byahe na rin sina Andy at Yuan papunta sa probinsya. Matapos ang isang oras na video call ay nagpasya na rin silang magkaibigan na putulin ang tawag. Masyadong nagagalak si Andy sa pagbabakasyon nito kasama ang kasintahan kaya ang dami nitong kwento. Bukod doon ay ipinaalam pa nito na baka maging abala na ito kaya iyon na muna marahil ang kanilang huling pagkukulitan.

Matapos ang pag-uusap nilang magkaibigan ay nagbalik siya sa pagiging tahimik. Sumasagot naman siya kapag tinatanong ng mga magulang; hindi lang siya masyong nagdadaldal kahit pa inuudyukan siya ni Pearl.

Gabi na nang marating nila ang Cresta. Pagbaba niya sa sasakyan ay kaagad niyang napansin ang malaking pagkakaiba ng simoy ng hangin doon at sa Georgetown. Ibang-iba ang kalmang dulot ng hangin mula sa Georgetown na para bang hinahanap niya kaagad.

Although she missed Cresta, her thoughts remain tightly wrapped around Georgetown.

"Lara!"

Mabilis nabaling ang kanyang atensyon sa galak na galak na matalik na kaibigan.

Patakbong lumabas mula sa bahay ng mga ito si Gigi at mahigpit siyang niyakap paglapit sa kanya. Mukhang kinalimutan na nito ang naging atraso niya.

"Bessy! Nandito ka na!" Hiyaw nito habang nagtatatalon.

Naalala niya si Andy sa katuwaang ipinapakita ni Gigi. Doon lang din niya napagtanto kung bakit madali niyang nakagaanan ng loob si Andy.

Yumakap na rin siya sa matalik na kaibigan. Medyo naramdaman niyang may nagbago sa katawan nito. "Malakas ka pa ring kumain bessy kahit na wala ako, ah?" Puna niya, bahagya siyang lumayo sa pagkakayakap nito sabay titig sa matalik na kaibigan.

Sumimangot ito. "'Yan talaga ang ibubungad mo sakin?"

Humalakhak siya. "Akala ko kasi hindi ka na makakain nang marami dahil wala ka ng kasama."

"Stress eating. May kasalanan ka pa sa'kin kaya umayos ka sa pang-aalaska." Tumingin ito nang masama ngunit tumawa rin kapagkuwan. "Tara na. Asan ba mga gamit mo?" Dagdag nito sabay baling sa likuran nila kung saan nito binati ang kanyang kapatid at mga magulang.

"Go, girls. Kami na ang bahalang magbaba ng mga gamit nila." Sabi ng mommy niya habang isinisenyas ang kamay nito na pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Thanks, mom, dad." Ngiti niya sa mga magulang.

Mabilis na umangkla sa braso niya si Gigi sabay hila papasok sa bahay.

Binati niya ang mga magulang nitong nakaabang sa pinto. Atsaka na naman siya hinila ni Gigi. Panay lang ang daldal nito na tila hindi napapagod ang bibig. Halos apat na buwan lang silang hindi nagkita pero parang pang-samngpung taon na ang kwento nito.

Sa katunayan nga ay nagawa na itong sawayin ng mama nito dahil patuloy pa rin ang pagkukwento nito habang sila'y kumakain. Nanahimik naman ito pero nang matapos ay wala na namang preno ang bibig nito.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now