╰4th Catch╮

7.1K 209 4
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰4th Catch╮

DAHIL masyadong maraming kwento si Andy ay hindi na niya nagawa pang tanungin ang profile ng apat na estudyanteng mukhang pagbubulakbol lang naman ang alam kaya pumapasok. Judgmental na kung judgmental pero iyon naman talaga ang nakikita niya. Para sa kanya ay hindi dapat ina-idolized ang mga ganong tao. Para saan? Hindi nakakatuwa ang kabulastugan sa eskwelahan. Atsaka napaka-presko ng mga ito, sa totoo lang.

Ganonpaman, okay rin na si Andy lang ang maging madaldal sa kanila. Ayaw muna niyang magkwento ng mga bagay tungkol sa kanya. Kapag tinatanong siya nito ay sumasagot lang siya pero iniiwasan niyang mapakwento ng marami. Mas madaldal ito kaya mas marami itong naikukwento tungkol sa sarili. Hindi pa siya komportableng pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

Nang matapos ang kanilang klase ay tsaka lang siya tinext ni Pearl para sabihing nasa parking lot na ito at hinihintay na lang nito ang kanilang daddy sa pagsundo sa kanila. Kanina tinext niya ito pero hindi siya nireplyan, akala niya walang load. Ngayon ay malinaw na sa kanyang ayaw siyang makasama ni Pearl kapag nasa loob sila ng RDGU. Medyo naapakan ang ego niya doon pero nagawa na lamang niyang ipagkibit-balikat.

She's on her way to meet Pearl. Since no one is around, she assumes that it's safe to reply back to her sister while walking. She fishes out her phone from her bag and starts typing. But just as she thought it would gonna be okay, she has gotten herself bumped into somebody.

She knows that she has practiced a method to balance herself perfectly, but it does nothing at the moment. The impact is so strong, making her fall on her back. Her phone even slips from her hand, soft crack can be overheard in the process. She cringes, feeling the impact of the fall.

"Fvck, dude! You're gay!" Narinig pa niyang sigaw ng papalayong tinig.

Palayo na rin sa kanya ang mga yabag kaya malamang ay hindi napansin ng mga iyon na may nabangga sila. Ganon ba talaga siya kaliit para hindi makita?

Asar na asar siyang papatayo matapos mapagpagan ang kanyang balikat, pero nagulat siya nang may magtapat sa kanyang harapan ng kanyang cellphone. Napaangat siya ng mukha para tingnan ang taong iyon. 

Normal na ba talaga ang mga naibabato niyang reaksyon para sa mga taong nabiyayan ng sobrang pagkaperpekto? HOLY MOTHER OF ALL!

At 'yong amoy na 'yon... Amoy na nanggagayuma...

Napanganga siya.

Sobrang daming gumugulantang sa kanya sa paglipat nila sa lugar na ito at sa paglipat niya ng University. Dapat sanay na siya sa mga ganitong tanawin dahil mas maraming magagandang mukha ang nagkalat sa siyudad, ang ilan pa sa mga iyon ay naging malapit sa kanya.

Pero kasi, mas gwapo't magaganda ng sobrang angat ang mga nandito.

"Cellphone mo, Miss." Sabi nito, at walang sabi-sabing idinutdot ang cellphone sa kanyang pisngi.

°Okay na sana. Masyado lang arogante!°

Napasimangot siya bago marahas na kinuha ang kanyang cellphone pero hindi naman nito pinansin ang paghablot niyang iyon. Mukhang wala itong pakialam lalo pa't ito naman ang naunang nagpakita ng kabastusan.

Tumayo na siya nang tuluyan at tinalikuran ang taong iyon. Bastos na kung bastos pero may dahilan naman siya kung bakit niya nagawang talikuran ito na para bang wala lang nangyari.

"Thank you, huh?!" Sarkastikong pahabol sa kanya.

Alam niyang hindi ito mula sa babaeng nag-abot sa kanya ng cellphone dahil iba na ang boses na kanyang narinig. Mas matigas at lalaking-lalaki.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now