╰9th Catch╮

4.9K 173 0
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰9th Catch╮

ILANG beses muna siyang nagpaikot-ikot sa kanyang kwarto bago nakapagpasya. Hindi niya gusto ang mga naiisip na pagpapahirap na tiyak ay mararanasan ni Pearl sakaling hindi ito magpunta sa initiation ngayong gabi. Hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang kapatid kahit na naiinis siya sa kagagahan nito dahil sa walang pagdadalawang-isip na pagpasok sa isang sorority. Wala sa pagpipilian niya ang magsabi sa kanilang mga magulang dahil tiyak na malalagot sila nang matindi ng kanyang kapatid.

Even if it's the safest thing to do, she worries about the consequences afterward. She doesn't want to incorporate her parents into this absurd situation.

Ngayon niya napatunayang mas maraming kalokohan si Pearl. Kung siya nga ay maraming naging kaibigan sa siyudad na kasali sa sororities or fraternities, pero kahit kailan ay hindi siya nagkainteres na sumali sa anomang grupo dahil alam niya kung paanong pagpapahirap muna ang mararanasan niya bago siya tuluyang maging myembro.

Natakot siya sapagkat naglabasan din ang mga balita tungkol sa ilang kabataang namatay sa initiation at ayaw niyang maranasan nilang dalawa ni Pearl ang karumal-dumal na bagay na iyon. Lalo namang ayaw niyang mangyari kay Pearl ang pagpapahirap sa initiation, subalit ayaw din niyang mangyari dito ang pagpapahirap ng mga kasapi ng sorority sa kanilang university— lalong-lalo na ang pagpapahirap na mararanasan nito sa Savage dahil sa hindi nito pagsipot sa initiation ngayon. May posibilidad pang silang dalawang magkapatid ang makakaranas ng matinding parusa dahil tinanggihan nila ang isang malaking grupo.

Wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang mag-isip nang mabuti.

Kinuha niya ang cellphone na basag ang screen na mas lalong nagpaalala sa kanya sa Savage.

Arq's face appears from nowhere and fades, immediately.

Dinial niya ang number ni Andy na mabuti na lamang ay naalala niyang hingin noong nakaraang araw. Pakiramdam niya ay matutulungan siya nito tutal alam naman nito ang lahat ng pangyayari sa RDGU.

"Hey! It's me, Andy. How are you?"

"Andy, si Lara 'to. May problema ako. 'Yong kapatid ko kasi, sumali ng sorority sa university at initiation nila ngayon. Ayoko namang mapahamak si Pearl pero kapag hindi siya pumunta, baka pagtripan siya sa university. Anong gagawin ko?" Diri-diretso niyang bungad.

"Oh! Shocks! Bakit niya ginawa 'yon? I know Classy Ladies very well. Talagang pagti-tripan nila ang kapatid mo kapag hindi 'yan nagpatuloy sa initiation."

Kinabahan siya lalo sa sinabi ni Andy. "Classy Ladies? Bakit sabi ni Pearl, lagot daw siya sa Savage?"

"You know, Arq. She's the current Queen of the Ladies. Siya na mismo leader ng sorority na iyon."

"What?!"

Sa buong araw na lang 'ata na lilipas ay sisigaw na lang siya nang sisigaw dahil sa gulat na kanyang nararamdaman. Ngayon niya napagtanto kung gaano kalaki ang gulong pinasok ni Pearl. Wala siyang kamalay-malay na ang taong kinasusuklaman at pilit niyang nilalayuan ay mukhang ang taong tatapos pa sa katahimikan ng pag-aaral nila ng kanyang kapatid. Wala naman siguro itong kasalanan dahil iyon ang napili ni Pearl pero hindi pa rin niya maiwasang mas mainis kay Arq.

"Pearl should've thought thoroughly about that. Hindi kasi ordinaryong sorority ang CLL. Oo nga't magandang sumali sa samahang iyon, pero hindi rin basta-basta ang pagpasok doon."

Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa mga sinasabi ni Andy. Hindi na niya alam kung kaya ba niyang pakiusapan si Arq na pabayaan na lamang ang kanyang kapatid lalo't wala naman ito sa katinuan para magdesisyon dahil isang happy-go-lucky na brat si Pearl. Sa mga titig pa lang kasi ni Arq ay parang susuko na siya.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now