╰29th Catch╮

4.4K 170 30
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰29th Catch╮

ANG inaasahan niya ay hindi nangyari. Nagpapasalamat siyang medyo nasa katinuan ng pag-iisip ngayon si Arq sapagkat paglabas nila ng clinic ay kaagad rin silang umalis ng mall. Mabuti na lang talaga hindi ito nag-isip-bata.

"Arq..." She called, only to get a soft grunt.

Pareho man silang tahimik sa byahe ay may bagay naman na nag-iingay sa kanyang isipan. At nais niya iyong isatinig sapagkat para siyang mababaliw kakaisip.

"Asan ka kahapon?" Kinakabahan niyang tanong. 

Alam niyang wala siyang karapatan para pakialaman si Arq ngunit hindi siya mapapakali kung hindi niya aalamin ang kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanya.

Pwede naman sigurong mag-alala siya ng konti kahit wala silang label, hindi ba?

"Sorry. I just had to do something. By the way, Elijah told me that you went to our office, didn't you?"

She heaves a breath. Somehow, she feels useless and untrustworthy hearing Arq's answer. Or maybe it's just Arq's way of politely reminding her that they should not be meddling in each other's business.

Sadly, she remains silent until they reach the university's parking lot.

Subalit iba na ang mood niya kaya hindi na niya maiwasan ang magsungit. "Pupuntahan ko na lang 'yong last subject ko, Arq." Paalam niya nang makahinto na sila at akma ng  bababa.

"You're already excused for the rest of your class today. Bakit ang hirap mong umintindi?" Naiinis na tugon nito.

"E bakit ka rin kasi nagsisinungaling sakin!" Walang preno niyang saad.

°Oops!° Tudyo ng kanyang ego sabay takip pa ng bibig nito kunwari.

Dahil sa nabanggit, bigla rin siyang sekretong napausal na kunin na lamang siya ng lupa. Sa hiya ay hindi siya makatingin nang diretso kay Arq kaya kagat-labi na lamang siyang napayuko. Kung bakit ba naman kasi hindi niya kayang pigilan ang kanyang bibig kapag curious siya.

Naramdaman niya ang marahang pagkilos ni Arq. "Paano naman ako nagsinungaling sayo?" Medyo mataray ang tonong tanong nito.

Umiling-iling siya. Mukhang hindi maganda ang kahihinatnan nito kapag pinilit niya ang ganitong usapan. "W-wala. Baba na tayo." Pag-iiba niya at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan subalit naka-lock iyon. 

She breathes out in frustration and instantly regrets the way she's acting out. She doesn't want to make Arq think that she's possessive. But she can't take back what she has already said.

She hears her sigh. "All right, I know somebody told you about it already so there's no sense in keeping it from you."

Tila nawala ang hiya niya sa sinabi ni Arq at dahan-dahan itong nilingon. Hindi niya alam na nakatingin pala ito sa kanya dahilan para muli siyang umiwas.

"'Wag kang mag-alala hindi naman matindi 'yong away na 'yon and it's normal okay?" Dugtong pa nito.

Ignoring the gentleness in Arq's tone, she scowls and asks, "Normal lang ba talaga sa inyo ang magbasag-ulo?"

"We can't help it. Alam mo naman sigurong may pinamumunuan akong organizations. Although we created that for useful purposes in our community, there are still shitheads who really want to bring chaos and ruin the guild." She explained further.

"Sana hindi niyo na lang pinapatulan."

Arq scoffs. "Kung salitaan lang, hindi ko talaga sila papansinin. Pero kapag pisikalan na, ibang usapan na 'yon."

Caught by a Beast [GxG]Onde histórias criam vida. Descubra agora