◈ Caught By A Beast ◈
╰58th Catch╮
"SIRAULO pala 'yang mga 'yan e! Ano, pabanatan ko na ba?" Galit na galit na sambit ni Andy.
Ito kaagad ang tinawagan niya matapos ang eksena sa opisina ng Savage. Gusto niyang maramdaman na may kakampi siya. Para siyang mababaliw sa sakit na nadarama.
Nag-iwan na rin siya ng mensahe sa ama na hindi siya makakasabay sa pag-uwi dahil may tinatapos pa silang proyekto ni Andy. Mabuti na lamang ay pumayag ito kaagad sa kondisyong hindi dapat siya magpagabi.
Dinala naman siya ni Andy sa bahay nito nang sa gayon ay makapag-usap sila nang pribado at malaya siyang makaiyak.
"H-hindi ko alam. Hindi ko alam kung... bakit niya nagawa sakin 'yon." Nanginginig niyang tugon.
Natapos na siya sa paghikbi kaya medyo kalmado na siya, ganonpaman ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Dagdag pang hindi gumagana nang maayos ang kanyang isipan.
Nilapitan siya ni Andy. "Sige. Iiyak mo lang 'yan." Malungkot nitong pang-aalo habang marahang hinihimas ang kanyang likod. "Honestly, clueless ako kung ano ang tumatakbo sa utak ngayon ni Arq. Ayoko namang isipin na baka naman..." putol na sabi nito habang nakatingin sa kanya.
Tila nabasa niya kung anong gustong ipahiwatig ng kaibigan kaya bigla siyang napailing-iling bilang tugon. "No. No. No. Hindi magagawa sakin ni Arq 'yon! Alam kong hindi na si Shakira ang mahal niya. Ako na!" Sigaw niya bago takpan ng nanginginig na mga kamay ang mukha para muli na namang umiyak.
"Hey. Alam ko namang mahal na mahal ka ni Arq. We witnessed it. Kaya lang palaisipan talaga 'yong ginawa niya ngayon. Wala ka bang naiisip na posibleng dahilan?"
Mariin siyang umiling. Ano namang dahilan ni Arq? Na-miss siya nito dahil ilang araw na silang hindi nagkikita at bigla nitong nakita ang katauhan niya kay Shakira. Oh gosh! That's bullshit!
°I couldn't agree more. Kung gising lang ako kanina baka napatay mo na sila.° Singit ng kanyang ego.
The anticipated fear is now a reality; the ex-girlfriend is actively working to sabotage their growing relationship. Given Shakira's strong affection for Arq, she is fully aware that she won't easily concede.
Even though she's ready to face this kind of issue, the intensity of the situation hits much harder once it finally occurs, leaving her shattered in pieces.
Did she make a mistake in trusting Arq?
Reflecting on the events, she considered that it wasn't solely Shakira's fault; Arq played a part too. If her girlfriend disregarded Shakira completely, the kiss wouldn't have happened.
On a different note, had Arq grasped the fact that she still harbored a love for her ex-girlfriend, honesty could have been the most straightforward option.
Ano pa'ng pinaggagagawa ng mga ito habang hindi sila magkasama?
Lalo lang siyang napahagulhol. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na maloloko siya nang ganito. Hindi niya akalaing na ang isang tulad ni Arq, na mas matured at rasyonal kung mag-isip, ay magagawa siyang traydurin.
"Oy, Lara. Hinay lang din sa pag-iyak. Ingatan mo pa rin ang puso mo." Paalala pa ng kaibigan.
Nilingon niya ito para yumakap.
She can't be a loser. Not now. Not ever.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Dagdag pa ang paulit-ulit na paglitaw ng eksena nina Arq at Shakira sa kanyang isipan.

YOU ARE READING
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...