╰64th Catch╮

3.2K 139 11
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰64th Catch╮

SEVERAL days went by without any incidents following the confrontation. She was anticipating that Arq might have addressed Shakira about the issue. If that turned out to be the case, she felt grateful for the chance to continue her studies undisturbed.

Today's another day and she expects this to go smoothly like the previous days. But unforeseen events have yet to occur.

"Teka, kahapon lang pwede pa kaming pumasok, ah?" 

Napaigtad siya sa pagsigaw ni Gigi. Alam niyang hindi dahil sa lakas ng ulan kung bakit mataas na ang boses nito, badtrip na talaga ito sapagkat ayaw silang papasukin ng gwardya.

"Sorry, ma'am. Pero bagong policy na po ng RDGU. Hindi na po talaga pwede ang mga outsiders." Paliwanag ng gwardya.

Otomatikong tumaas ang kilay niya sabay sabat sa usapan ng mga ito,  "Ano'ng bagong policy? Wala naman silang notice sa mga estudyante, ah?"

"Pero, iyon po kasi ang bilin." Kakamot-kamot sa batok pang tugon ng gwardya.

She looks around to see if there are approaching cars, hoping to validate the existence of an unprecedented policy or uncover the reason behind any unusual happenings.

"Maglalakad tayo?!" Sigaw ni Pearl mula sa backseat. Hindi na maipinta ang itsura nito.

Kahit siya naman ay hindi makapaniwala. Maglalakad talaga sila ngayon pa, kung kailan naman umuulan.

"Kakausapin ko si Andy kung totoo ngang may bagong policy." Paniniyak niya sa kapatid, atsaka siya napabuntong-hininga. "I guess we have to walk since we're running out of choices."

"Parang alam ko na kung bakit ganito." Ani Gigi habang nanlilisik ang mga mata at mahigpit ang hawak sa manibela.

Pearl and Gigi didn't need to vocalize their thoughts. She shares the same intuition that the Savage is involved in the enforcement of the new policy. Nevertheless, it would have been wise to notify the students prior to implementing the new rules and regulations.

She ponders why they are choosing to enforce this specific policy now, especially when it has been several years since outsiders had the freedom to roam the university grounds.

Muli niyang nilingon ang gwardya. "Paano po kung mag-iiwan ng ID? Lagi naman niya kaming hinahatid dito." Nagbabakasakali niyang tanong.

"Sabi po nila mag-iissue po sila ng visitor's badge pero wala pa po sa ngayon. Kaya hindi pa rin po pwedeng mag-iwan ng ID." Sagot nito.

Tumingala siya sabay hugot ng malalim na hininga. Malapit ng maubos ang kanyang pasensya. Atsaka niya nilingon si Pearl na lalong sumimangot ang mukha. "Alam mo na," sumusuko niyang pahayag.

Napalakas ng ulan pero parang tag-init ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang ay kaya pa niyang kontrolin ang emosyon.

Nilingon niya si Gigi. "Sige na, bessy. Ingat ka sa pag-uwi mo." Paalam niya.

"Pupusta ako na kagagawan 'to ni Arq." Saad ng best friend niya na halata ang panggigigil.

Hindi sila nagkakalayo ng hinuha. Nasa isip na rin niyang may kinalaman talaga sila Arq sa bagay na ito.

Inilabas niya mula sa kanyang bag ang payong bago niyaya ang kapatid, "Tara na, Pearl"

Sa kanyang pagbaba ay mabilis na sumalubong ang malakas na bugso ng hangin. Kaagad niyang sinara ang pinto ng sasakyan para hindi na mabasa pa si Gigi.

Ipinagpapasalamat din niyang matibay ang payong niya at hindi iyon basta-basta bumabaligtad sa malakas na hangin. Ganonpaman, nakatitiyak siyang para silang basang sisiw na papasok.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now