╰41st Catch╮

3.8K 143 10
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰41st Catch╮

ILANG minuto na lamang ay matatapos na ang kanilang klase kaya hindi na siya mapakali. Palingon-lingon siya sa labas ng kanilang silid dahil nagbabakasali siyang naroroon na si Arq.

Ngunit habang nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang klase ay lalo lang siyang nadidismaya sapagkat wala pa rin ang taong hinihintay. Gusto niyang intindihin na maraming ginagawa si Arq subalit hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. Mukhang nakalimutan na naman siya nito.

°Parang lalo kang nagiging maarte, Lara. Alam mo ba 'yon?°

Ngayon siya sasang-ayon sa kanyang ego. Alam niyang nagiging maarte na siya at malapit ng mag-demand ng atensyon kay Arq kahit hindi naman nararapat. At alam niyang walang magandang patutunguhan iyon.

Wala siya sa huwisyo para makinig sa kanilang klase. Sa makalawa na ang kanilang pagsusulit ngunit tila wala siyang maisasagot sapagkat wala siyang naiintindihan.

Para siyang walang-ganang lumabas mula sa silid matapos ang kanyang klase. Talagang wala ang inaasahan niyang susundo sa kanya. Kasalanan din naman ni Arq kung tutuusin sapagkat sinanay siya nitong sinusundo kaya asado na naman siya.

Bagsak ang kanyang mga balikat habang siya'y naglalakad sa corridor. Sa pagnanais na makita si Arq ay naisip niyang puntahan ito sa opisina nito. Kung abala ito para masundo siya, hindi naman siguro nito ikakasama kung siya naman ang gagawa ng paraan para makita ito.

Habang patungo siya sa opisina ng Savage ay kapansin-pansin pa rin ang makakahulugang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong na estudyante. Kailangan na talaga niyang sanayin ang sarili bilang sentro ng tsismis.

Nasa corridor na siya ng building E nang masalubong niya ang tatlong best friends ni Arq. Binati siya ng mga ito nang siya'y mapansin. Kahit pa inis siya kay Elijah ay binati na rin niya ito, tutal naman ay mabait pa rin ito sa kanya.

"Nakita niyo ba si Arq?" Tanong niya para magka-ideya siya kung saan ito pupuntahan.

"Yeah, she's in her office. Doing paper works." Brenan responded.

Tumango siya. "Uhmm... Sige. Pupuntahan ko na lang siya. Thanks, by the way." Ngiti niya.

Tinanguan siya ng mga ito atsaka na sila naglakad sa kani-kanilang tatahaking direksyon. Mukhang maggagala na ang tatlo kaya hindi sa opisina ang pupuntahan ng mga ito.

Ilang minuto pa siyang nakatunganga sa harapan ng opisina ng Savage bago niya iyon nagawang katukin. Nang hindi kaagad bumukas ang pinto ay para siyang nainip. Kaya kahit kinakabahan dahil baka magalit si Arq ay nagawa pa rin niyang pumasok na lamang.

Kaagad niyang nasilayan si Arq na abala at kunot ang noo habang may binabasang papeles. Sa sobrang abala nito ay hindi nito binigyan ng atensyon ang pagbukas ng pinto ng opisina. Maraming papeles sa desk nito kaya hindi niya ito masisisi kung hindi siya napansin.

Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nakasuot ito ng salamin. Lalong naging attracted si Arq sa itsura nito. Kung totoo siyang kasintahan ay kaagad niya itong lalapitan para yakapin at bigyan ng matamis na halik. Pero hanggang sa imahinasyon lang iyon mangyayari.

Tuluyan na siyang pumasok sa opisina at palapit na kay Arq nang bigla namang bumukas ang pinto na nakakasakop sa isa pang silid sa loob. Iyon ang silid kung saan ilang beses na siyang dinala ni Arq para makatulog nang mahimbing.

"Arqui, here's your— Oh! Hi, Lara!"

°Bitch!° Mabilis at magkasabay nilang anas ng kanyang ego.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now