◈ Caught By A Beast ◈╰22nd Catch╮
KABABABA lang niya ng kanilang kotse nang makasabay niya sa pagpasok si Yuan. Agad siya nitong binati pati na rin si Pearl na hindi naman nito masyadong kilala. Sadyang friendly talaga ang binata at palaging nakangiti sa tuwing makikita niya. Kahit pa tila hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Pearl sapagkat nauna na itong pumasok bago pa man niya maipakilala sa kaibigan.
"Tantrums." Sabi na lamang niya na ikinatawa nang bahagya ng binata.
Sabay silang naglalakad ni Yuan sa field ng RDGU.
"By the way, I heard the news about you. Ikaw, di ka man lang nagsasabi." He stated.
It honestly takes her a moment to understand what he was referring to. Her brain always tends to malfunction at the beginning of the day.
Pero nang mapagtanto na niya kung ano ang tinutukoy nito ay natawa siya nang bahagya. "A-ayon ba? Gusto ko sanang private na lang ang tungkol samin ni Arq. But I couldn't do anything to stop the news from spreading. Well, first of all, I'm in a relationship with one of the famous people in RDGU. I should have expected that." Natataranta niyang sagot.
Sa totoo lang ay hindi siya komportableng pag-usapan ang bagay na 'yon lalo na't ang aga-aga siyang ini-stress ng issue. Hindi pa rin niya alam kung paano kikilos nang maayos sa loob ng RDGU dahil siguradong napakaraming mga mata ang nakatingin sa kanya at nakahandang humusga.
"I didn't know that you have an interest in the— you know." Naiilang nitong dagdag.
Nakuha niya ang ibig nitong sabihin.
At some point, she feels a sudden annoyance towards him but she shrugs it off right away, remembering that Yuan is her friend and he just speaking his mind. She forces a smile. "Ganon naman talaga siguro. Once you fell in love, you would disregard all the negative things that that person has."
Ang dami na niyang nalalaman dahil sa pesteng pagpapanggap na ito. Kung ano-ano na lang ding hugot ang nasasabi niya.
Yuan shrugs. "Good for you. But are you ready to take the risk of getting yourself involved with this kind of relationship?"
"What about this kind then?"
Alerto siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na bigla na lamang sumabat sa pag-uusap nila. Hindi nila napansin na nasa likuran na pala nila ang Savage.
Arq is, well, frowning to start her day.
Inakbayan ni Elijah si Yuan na may kasamang nakakalokong ngiti. "What is this all about Yuan? Do you have a problem with the kind of relationship that Arq and Lara have?"
Natahimik si Yuan at napayuko kaya inawat niya si Elijah at pinakiusapang bitawan na lang ang kaibigan. Sumunod naman ito kaagad.
"Pasalamat ka't may tagapagtanggol ka dito. Kung hindi manghihiram ka ng mukha sa aso." He seethes.
"Ma-mauna na 'ko, Lara. See you around." Natatarantang paalam ni Yuan na hindi niya malaman kung natatakot ba o nagpipigil lang ng inis para walang mangyaring away sa field. Naalala niyang sumagot ito sa Savage noong una siyang niyaya nitong kumain sa cafeteria kaya hindi niya maisip na naduduwag lamang ito ngayon.
Isa na rin siguro sa dahilan ay marahil nirerespeto siya nito sapagkat kasintahan na niya ang isa sa Savage.
"See you around? What for? Psh." Elijah adds then looks at her. "It's fine if you won't hang out with that kind of person anymore."
"Kaibigan ko siya, Elijah. Hayaan mo na." Katwiran niya.
"May gusto sa'yo 'yon. Kaya kung ano-anong paninira kay Arq." Sabat naman ni Greco.

BINABASA MO ANG
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...