╰40th Catch╮

3.9K 149 0
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰40th Catch╮

NAPAPASINGHAP na lang siya sa mga barikadang biglang naglalabasan sa kung saan-saan sa racing track. Mula sa napakalaking LED sa gitna ay kitang-kita niya ang matitinding kaganapan na halos makapagpalaglag ng puso niya.

"Hala! Sa'n galing ang mga 'yon?! Bakit may ganon? Baka maaksidente sila!" Sunod-sunod niyang bulalas habang nanonood.

"Chill. That's the reason why they love this track. You could practically experience the real-life Death Race here." Prenteng sagot ni Arq na tila hindi nababahala sa maaaring kamatayan ng mga manlalaro.

But she doesn't like what's happening. Those death-defying obstacle courses can definitely lead to gruesome accidents. And she doesn't want to witness somebody being mutilated. So, instead of continuously watching, she sits back on the chair and looks down.

Arq does the same and then caresses her back. "Are you okay, Lara? You look like you're gonna pass out anytime."

"Natatakot lang ako para sa kanila, Arq. Ayokong makakita ng patay." Pag-amin niya.

"You want us to leave now?"

Napailing siya kahit gusto niya talagang tumango. Ayaw naman niyang maging killjoy lalo pa't nag-eenjoy si Arq sa panonood. Tiningnan niya ito. "Saglit na lang naman, di ba? Tapusin na lang natin."

"Are you sure?"

Marahan siyang tumango.

"All right. Just tell me if you change your mind, yeah?"

"Okay."

When the crowd turns more rowdy, she can't help but take a peek. It seems apparent who's going to win. Arq is enthusiastically hollering beside her, which cheers her up a bit. She has not seen her like this before.

Nagpapasalamat siyang walang namatay sa pagtatapos ng karera. Hindi na siya nasurpresa pa sa kung sino ang nanalo. Halata namang may ibubuga talaga ang mayabang na pinustahan ni Arq.

Halos lahat ng mga manonood ay kaagad pinagkaguluhan ang mga karerista lalo na ang nanalong si Lynch. Halata ang sobrang kasiyahan sa itsura ng mga ito.

Nakatitig lang si Arq sa kumpulan habang siya naman ay kaupo at hinihintay ang sasabihin nito kung aalis na ba sila gayong tapos na ang karera.

Ang masayang selebrasyon ay bigla ring napalitan ng komosyon. Napansin niyang nagkakagulo na sa kumpulan kaya napasinghap siya at napatayo.

"Hala! Ano 'yon?!" Bulalas niya.

Nang hindi sumagot si Arq ay tiningnan niya ito. Hindi nga siya nagkamaling isipin na nakasimangot na ito habang nakatingin sa nagkakagulo.

Mukhang hindi matatapos ang araw na hindi masasali sa gulo si Arq kahit pa hindi ito ang pasimuno.

Mabilis na bumaba mula sa bleachers si Arq kaya patakbo rin siyang sumunod. Ngunit nahirapan siyang makisiksik sa kumpulan para sundan pa ito hanggang sa gitnang bahagi.

"This isn't fvcking fair! You, assholes! Pay!" Sigaw ng isang lalaki na nagpupumiglas na makasuntok sa kaaway nito.

Nagpupumiglas rin ang kaaway nitong lalaki at nang mabitawan ay muling nakasuntok

Sa pagkakataong iyon ay pinilit ni Arq na pumagitna. Alam niyang sanay ito sa basagan ng mukha pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala. Babae pa rin ito.

Naiinis siya sa sarili niya sapagkat wala man lamang siyang magawa para awatin ito.

Nang tuluyang pumagitna si Arq ay kitang-kita niya kung paano ito nasuntok sa panga ng isa sa mga lalaking nag-aaway. Sa lakas ng pagkakasuntok ay napaluhod pa ito. Naging dahilan iyon para mapasinghap at tuluyang manahimik ang lahat.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now