╰3rd Catch╮

7.8K 239 0
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰3rd Catch╮

PAGKATAPOS ng kanilang unang klase ay nagpaalam na muna sila ni Andy sa isa't isa dahil may ilang subjects silang hindi sila magkaklase. Pero sa last subject nila ngayon ay iisang klase na naman sila ulit kaya magkikita din sila mamaya. Para siyang nasa grade school sapagkat ayaw niyang mahiwalay ng klase kay Andy, subalit hindi naman niya iyon ipinahalata dito. Ayaw niyang may maipintas ito sa kanya.

Nang makaalis na ito nang tuluyan ay hinanap na niya ang kanyang susunod na klase. Medyo nahirapan pa siya dahil sa kabilang building pa iyon at fourth floor pa. So far, iyon lang ang nahiwalay na klase dahil sa iisang building lang lahat ng klase niya. However, she needs to be there no matter what. Kahit nakakapagod. Kahit gusto na niyang sumuko sa second floor pa lang sapagkat parang mapapatid na ang kanyang hininga any moment.

Hindi naman siya na-late at nakahanap din kaagad siya ng mauupuan pagpasok niya sa room. Hindi gaya sa unang klase na kanyang pinasukan, nanatili lamang maingay ang mga estudyante dito pagpasok niya. Mukha sigurong hindi na siya tensed kaya hindi na rin siya pinansin ng mga ito. O baka wala lang talagang pakialam ang block na iyon sa kahit sino? Well, magandang bagay naman din.

Nanahimik lang ang buong klase nang dumating na ang kanilang propesor. Nagsimula na naman sila sa kanya-kanya nilang pagpapakilala na kung pwede lang ay 'wag na lang mangyari. Required element talaga ang self-introduction sa first day of class, na hinding-hindi maiiwasan ng mga estudyante. Kaya hindi niya kayang tanggihan.

Normal naman ang itinakbo ng lahat hanggang sa mag-lunch break na. Dumiretso kaagad siya sa cafeteria na hindi naman mahirap hagilapin dahil nakita na niya iyon kanina habang inililigaw siya ng mga napagtanungang mga estudyante. Tinext na rin niya ang kapatid na si Pearl. Nagbabakasakali siyang lunch break na rin nito at baka naman pwede silang magsabay. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi siya nito nirereplyan na siya namang ikinainis niya. Mukhang sinasadya talaga nitong hindi sila magkita.

She could manage anyway but to think that Pearl could manage even more without giving a damn to others makes her feel a little bit envious. Too bad, she forgot to ask Andy's number.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang katotohanang wala siyang kasamang kakain. Wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda sa kanya ngayon. Wala naman sigurong manti-trip sa kanya gaya doon sa mga movie na napapanood niya. Hindi naman siguro siya kakain sa loob ng cr kasi lahat ng upuan sa pantry ay may mga nagmamay-ari. Pumila na siya nang hindi nasasayang ang oras niya at para makakain na rin. Hindi pa ganon karami ang mga estudyante sa cafeteria, kahit pa marami talagang estudyante ang RDGU, kaya marami pang bakanteng table.

Nang makuha na niya ang kanyang pagkain at makapagbayad na ay naghanap na siya ng mauupuan.

°Another struggle.° Her alter-ego smirked.

Pero naging madali lang din sa kanya ang paghahanap ng mauupuan. Marami-rami pa ang bakante, kailangan nga lang hanapin ang pinaka-safe kasi baka kung anong mangyari sa kanya di pa man din siya nakakakain. Masyado siyang napa-paranoid. Ang mga tinginan naman kasi sa kanya ng mga taong naroroon ay kakaiba.

As if they are giving her caution while she's looking for the right table. Creepy, indeed.

Nakahinga siya nang maluwag nang mailapag na sa napiling table ang tray ng kanyang pagkain. Masyado pang malaki ang table kaya pakiramdam niya lalo ay nag-iisa siya. Wala naman kasing available na table para sa isang tao lang.

°Ano ka, special? Di sana nag-provide ka ng sarili mong table.°

Inumpisahan na niyang kumain kahit na naiirita na siya sa kanyang alter-ego. Para naman hindi na niya mapansin ang kanyang pag-iisa ay nag-advance reading na lang siya para sa kanilang next subject. May pocket book siya sa subject na iyon courtesy of DLU. Wala pa naman silang masyadong gagawing pag-aaral dahil first day pa lang ngunit sa tingin niya ay kailangan niyang libangin ang sarili.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now