╰11th Catch╮

5.3K 175 11
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰11th Catch╮

AKALA niya ay hindi na niya magagawang maka-recover pa sa ginawa ni Arq. Nang makumpirma niyang posible siya nitong mapisikal ay natakot siya para sa buhay nila ng kanyang kapatid at ni Andy. Subalit determinado siyang makausap si Arq. Alam niyang hindi madali ngunit kailangan niyang subukan nang subukan hanggang sa makumbinsi niya itong pakawalan na lamang si Pearl.

°Yeah. Go on and let her see what you've got, girl!°

Sinundan niya ito at naabutan niyang paliko ito sa pinakadulong bahagi ng second floor. Para siyang nakakarinig ng lifeline habang naglalakad palapit dito. Isang silid ang pinasukan nito na hindi man lamang inabalang isara ang pinto. Marahil ay nararamdaman  rin nitong nakasunod siya.

"You still cannot change my mind." Bahagya siyang napaigtad nang magsalita ito bigla. "Your sister needs to be punished. Kahit na sabihin mo pang ikaw na lang ang magtutuloy sa initiation para sa kanya." Nakatalikod nitong pahayag.

Gustuhin man niyang purihin ang kagandahan ng silid na pinasukan pero hindi niya kailangan pang magpa-distract sa kung ano-ano. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at kailangan niyang tapusin ang issue ngayong gabi.

She needs to pretend that she's brave. Albeit she's not sure if Arq sees her as brave as she thinks.

"Ako na lang din ang parusahan niyo." Desperada niyang tugon.

Umiling-iling si Arq pero hindi pa rin tumitingin sa kanya. Mukhang may hinahanap ito mula sa kaharap na malaking closet dahil nakikita niyang naghahalungkat ito doon. "Hindi pwede, Fernandez. Kapag hindi siya naparusahan, unfair naman iyon para sa ibang kagaya niya na nakaramdam ng parusa namin dahil sa pag-atras sa mga pangako nila."

"Did they really swear without CLL forcing them?" She was only asking, but she thought for a second that it sounded like she was implying something.

Kaya hindi rin niya masisisi kung lalong bumusangot ang mukha ni Arq, habang ang isang sulok ng kilay nito ay nakataas na nang humarap sa kanya. Nilapitan siya nito kaya lalo niyang naramdaman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Don't you dare accuse us like we're desperate to add a member. You went here to ask a favor yet you didn't bring even a little nice bone with you.." Arq said between her teeth.

Hindi siya nakasagot.

Tama naman si Arq. Nakikiusap siya kaya hindi siya dapat magmalaki o magmatigas o magsabi ng kung ano na lang ang gustuhin niya. Kailangan niyang kontrolin ang sariling emosyon. Kailangan niyang i-filter ang mga sasabihin nang sa gayo'y maganda-ganda ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Subalit paano niya magagawang maging malambot kung napakatigas ng puso ng kanyang kausap?

In fact, she started being nice but Arq is too conceited that upsets her ego so she acts equally, instead.

Lalo pang lumapit si Arq sa kanya. Bagay na biglang nagparamdam sa kanya na hindi na siya komportableng silang dalawa lamang ang naroroon sa silid.

Arq is in fact a girl, but she could smell something about her that creates more questions in her mind.

Hindi maganda. Hindi na niya nagawang umatras pa nang lalo itong lumapit.

To add the awkwardness, her eyes are stuck staring at hers. The scent of her enemy lingers under her nose, making her feel delirious. Her mind is struggling to gather thoughts and take actions. At any moment, she would probably lose control which she couldn't afford to happen.

"As I said, every word that you're saying in front of a CLL member is valuable. Nangako 'yong kapatid mo, hindi niya matutupad. So tell her to at least have the decency to show herself instead of you begging, oh, I mean accusing, our sisterhood. Hindi niya kayang gawin, parusahan. After that, you're both free. Hindi mo na rin kailangang i-initiate." Pahayag nito na binugahan pa siya ng napakabango nitong hininga na dumagdag lang sa pagkahumaling niya.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now