╰52nd Catch╮

3.9K 160 47
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰52nd Catch╮

THE confrontation has noticeably shifts her mood, extinguishing the earlier excitement she carries out from the Classy Ladies' room. While the co-leaders refrains from causing direct harm, their parting words are laced with threats, emphasizing the gravity of Arq's decision before letting her go.

Nonetheless, she perseverves in acting natural, especially as she prepares to meet with Arq for lunch. In an effort to sidestep any probing from the charming beast, she works to shake off any lingering apathy.

"Ang lalim naman 'ata ng iniisip mo?" Untag ni Arq— ang problema niya ngayon.

"Huh?" Napalingon siya rito. Sa sobrang lalim ng iniisip niya'y hindi niya napansing naroroon na pala ito. "Hi, kumusta ang braso mo?" Pag-iiba niya kasabay ng kiming pagngiti.

Bago ito naupo sa kanyang tabi ay sinenyasan muna nito ang dalawang estudyanteng kasunod. May bitbit ang mga iyon na tray ng pagkain at inilapag sa kanilang mesa.

Hindi niya namalayan na naka-order na pala si Arq ng kanilang pagkain.

Naupo na ito sa kanyang tabi matapos umalis ng dalawang estudyante. "Fractured wrist. 4 to 6 weeks with this." Sagot nito sa tanong niya bago ipakita ang arm cast.

Bahagya siyang sumimangot. "Hmp! Ang init kasi palagi ng ulo."

Ngumisi ito nang nakakaloko. "'Wag ka ng magalit. Kumain ka na lang para hindi ka rin napapatulala dyan. Mukhang gutom ka na, e." Pag-iiba nito.

Magaling talaga itong mang-uto.

Sa kabila ng pilay na kamay ay pinilit pa ni Arq na ayusin ang kanilang pagkain. Subalit mabilis niya itong sinita at siya na ang pumalit sa ginagawa nito.

"Kaya ko naman." Mahina nitong reklamo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Ako ang walang injury sa'ting dalawa kaya ako dapat ang nag-aasikaso sa'yo." Pahayag niya.

"Yes, ma'am." Tumatawa naman nitong tugon, na ikinailing na lang niya.

Kahit kailan talaga ay napakamaloko nito.

"Kumusta pala ang meeting niyo kagabi?" Hindi na niya napigilan ang pag-uusisa. Awkward naman kasi kung matatahimik na naman silang dalawa.

Atsaka, nababagabag talaga siya sa sinabi ng tatlo nitong ka-grupo kaya gusto niyang alamin kung totoo ba ang mga iyon.

Nang mapansin niyang biglang naging tensyonado si Arq ay nagkaroon na siya ng palagay na may katotohanan ang sinabi sa kanya ng tatlong babae.

Ilang segundo bago ito muling ngumiti. "It went well. Umuwi rin ako nang maaga gaya ng sinabi ko sa'yo. I texted you, right? Hindi ka nga nag-reply, e." Anito na parang batang sumimangot pa.

"Tulog na kasi ako. Kaninang umaga ko nga lang nabasa 'yong text mo."

"Hindi ka pa rin nag-text. Kung hindi pa kita tinext para yayaing mag-lunch, hindi ka ba talaga magpaparamdam?"

Sinadya niyang hindi tugunan ang sinabi nito sapagkat ayaw niyang humaba ang kanilang usapan na nakatuon lang sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa mesa ng pagkain nila ni Arq at naging pagkakataon na rin iyon para makapag-isip siya ng sasabihin.

"Tungkol saan pala ang meeting niyo?" Mayamaya'y tanong niya sa paraang hindi siya tunog na nag-uusisa.

Nakasubo na ng pagkain si Arq kaya hindi ito nakasagot kaagad. Nang malunok nito ang kinakain ay tsaka nito sinabing, "Tungkol lang naman sa mga bagong members. May mga pasaway kasi kaya kailangang masabihan."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now