╰20th Catch╮

4.8K 187 22
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰20th Catch╮

"BAKIT mo pa kasi sila in-entertain?" Reklamo niya.

Ayaw niyang magpahalatang naiinis siya kaya lang ay hindi na niya mapigilan ang damdamin. Ang tagal nilang nanatili sa café kaya bukod sa naiinis siya sa ginawa ni Andy ay lalong nakakainis ang katotohanang late silang nakapasok sa kanilang klase. Dahil doon ay hindi na sila pinapasok pa bilang parusa. Napaka-istrikto ng kanilang professor sa klase na iyon.

"Malay ko bang tatagal kami sa pagku-kwentuhan. Napakadaldal pala ng babaeng 'yon." Katwiran naman ni Andy na para bang wala lang ang inis niya.

"Nakakita ka lang kasi ng chic nakalimutan mo ng may klase tayo." She reprimands.

"Ikaw naman, nakakita ka lang ng pagkain nakalimutan mo na akong i-remind sa klase natin." Ganti ni Andy.

Napasimangot siya sa kaibigan pero tinawanan lamang siya nito.

Andy drapes an arm around her shoulder. "'Wag ka ng magalit dyan. Ako ng bahala kay Professor Alba." She comforts.

Nasa field sila at nakaupo sa isa sa mga wooden bench na nasa ilalim ng naglalakihang puno ng Acacia.

"Yari ako kina dad kapag nalaman nilang ganito ako dito sa university." Medyo disappointed niyang sambit.

"Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi, di ba? Atsaka, hindi na natin uulitin 'yon. Pangako." Ngumiti ito.

Para kay Andy tila ba hindi malaking problema ang nangyayari.

Pero imbes na magalit, napangiti na lang din siya sa kaibigan. Nakakahawa ang pagngiti nitong abot hanggang tenga.

Mayamaya ay inilabas niya ang kanyang binder para ma-review kung ano ba sana ang pag-aaralan nila sa klase na hindi napasukan ngayon. Isa sa mga major subjects nila iyon kaya kailangan nilang bumawi at makipag-usap nang maayos sa kanilang propesor.

"Lara!"

Sabay silang napatingin ni Andy sa tumawag sa kanya. Nagulat siya sa hindi inaasahang presensya ni Shakira.

Even from afar, Shakira really looks fabulous. The way she walks concords with grace. She's stunning in every way. Thus, she can't blame the boys drooling over her.

Shakira's smile stretches the moment she's in front of them. "Hi!" She greeted, waving her hand out.

"H-hi." Alanganin niyang bati.

"Hello, Shakira. Come, join us." Walang patumpik-tumpik na sabi ni Andy na tumayo pa para ibigay ang pwesto sa bagong dating.

Pasimpleng sinamaan niya ito nang tingin ngunit tinawanan lamang siya nito. Nakakadalawa na ito ngayong araw. Animo'y nananadya itong asarin siya. 

Nahihiya man siyang mapatabi kay Shakira sapagkat mukha siyang basahan, wala naman siyang magagawa dahil mukhang gustong maki-bonding sa kanila ng dalaga. Hindi naman niya ito kayang ipagtabuyan.

"Thanks, Andy." Shakira uttered.

Andy shifts to the other side, making her sit at the center.

"What brought you here, Shakira?" Andy asks.

"I wanna talk to Lara about something."

Medyo naintriga siya kaya dali-dali siyang napatingin kay Shakira. Nang tumingin ito sa kanya'y hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. Kaya hindi niya mahulaan kung ano ang nais nitong sabihin.

Her brows knitted. "W-what is that all about?"

Shakira's smile creeps her out, to be honest. It seems that something bad is about to happen and it starts to annoy her.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now