╰28th Catch╮

4.5K 152 2
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰28th Catch╮

FRIYAY!

Even though she has enough sleep last night, she still can't wait to be in her bed hibernating, again. In essence, she can't wait for this day to end.

Dahil alam naman niyang tinataguan siya ni Arq ay hindi na rin niya ito hinanap at iniisip pa.

Why stress herself out, right?

Kaya eto siya, pakiramdam niya ay normal ang kanyang araw. Bukod sa nakatulog siya nang mahimbing, alam niyang walang manggugulo sa kanya.

Okay na rin sila ng dad niya kahit hindi naman talaga siya nito pinagalitan. Hindi na rin niya narinig mula sa mga ito ang tungkol kay Arq. Mabuti na lang din kung ganon nang hindi masira ang pagsisimula ng kanyang araw.

Sa katunayan nga ay parang na-eenjoy niya ngayon ang pagpasok sa unibersidad. Buo ang atensyon niya sa kanilang klase. Para ngang na-miss niya ang mag-aral kahit hindi naman siya huminto o lumiliban sa klase. Iba talaga ang pakiramdam niya ngayon.

Bukas pa ulit ang klase niya kung saan makakasama niya si Andy kaya solo flight siya ngayon. Pero nag-message na siya sa kaibigan, nagbabakasakaling makakasama niya ito sa lunch break. Swerte niya kung hindi ito abala.

Kasalukuyan siyang nasa isang klase kung saan mukhang M.I.A na naman ang kanilang propesor. Kaya hindi na nakapagtatakang maingay na naman ang kanyang mga kaklase. Napansin niyang kada-linggo ay meron talagang absent na propesor sa kanilang mga klase. Hindi ba pinahahalagahan ng RDGU ang pag-aaral kaya ayos lang na lumiban-liban ang mga propesor?

"Mind if I sit here?"

Napaangat siya ng mukha para tumingin sa taong nagsalita. Hindi naman talaga niya trip ang nagta-taray pero napataas ang kilay niya nang makilala kung sino 'yon.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nito kahit pa medyo bangag siya nang araw na iyon.

Lumuwag lalo ang ngiti ng lalaki, dahilan para mapansin niya ang munting biloy sa kanang ibabang bahagi ng labi nito. "Sabi ko kung pwede bang makiupo?"

"Ah, o-oo... Oo naman!" Natataranta niyang sagot. Gusto niyang kastiguhin ang sarili sapagkat nagmumukha siyang tanga sa harapan ng lalaki.

Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon para matigil ang pagsuri niya sa gwapo nitong itsura. Sobrang nakakahiya.

"I'm Zach, by the way."

Muli ay napatingin siya rito sabay anas ng, "Huh?"

Natawa nang bahagya ang binata. Mukhang natatangahan na ito sa kanya dahil sa reaksyon niya.

°Tingin siguro niya, bingi ka na. Kaya ayan tinatawanan ka na lang.°

Sa totoo lang, nawawala talaga siya sa sarili kapag nakikipag-usap siya sa magagandang nilalang. Otomatikong umuurong ang dila niya. At hindi niya ikinatutuwa ang ganon niyang pag-uugali.

"Uhh... Kaklase ba kita?" Tanong niya nang mapagtanto na ang nangyayari.

Napatingin muna ito sa paligid na medyo ipinagtaka niya, atsaka muling tumingin sa kanya. "Well, if it's not the class for the subject Civil Design I, I think I should be out."

Kumpirmado. Magkaklase nga sila.

"Transferee ka? Ngayon lang kita nakita."

Tumango ito. "Yep. I shifted course. Nakakabagot na kasi."

Napataas ng sabay ang kanyang kilay. °Wow, ah?!° Pareho at sabay pa sila ng kanyang ego ng naging reaksyon.

She secretly studies his physical appearance and she can sense that this one walks with overflowing arrogance. She has seen a lot like him before.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now