◈ Caught By A Beast ◈
╰73rd Catch╮
...LARA...
"THANK you.." she mumbled in appreciation.
Manghang napabaling sa kanya si Shakira na mukhang hindi makapaniwalang nagpapasalamat siya rito. "H-huh?"
Napangiti siya at hinawakan niya ang kamay nito. "Sabi ko, salamat. Salamat sa pagsasakripisyo mo. Alam ko naman, mahal na mahal mo parin si Arq. H-hindi ko talaga lubos maisip na magagawa mo ang mga bagay na 'yon."
Matapos maipaliwanag ni Shakira ang lahat ay namangha siya sa pagiging martir nito. Hindi niya akalain na ang babaeng halos ayaw magpatalo sa kanya ay magagawang magsakripisyo. Alam niyang malaking rason si Arq subalit ginawa rin nito ang mga bagay na iyon para sa kanya.
Kimi itong ngumiti. "Uhm, o-okay lang 'yon. Alam ko naman worth it lahat ng ginawa ko."
"Sorry din, Shakira."
Bahagya itong natawa sabay tanong, "P-para saan naman?"
"Para sa mga nasabi ko sa'yo. I even called you names and such. Tapos nasaktan pa kita."
"Well, masakit talaga 'yon, huh? Babawian na lang kita kapag sinaktan mo si Arqui." Natatawa nitong pagsang-ayon.
Alam na alam nitong ang tinutukoy niya ay ang pananabunot niya rito.
Natawa rin siya.
"I must go now. May kailangan pa kasi akong puntahan." Paalam ni Shakira bago tumayo mula sa upuan sa gilid ng kanyang kama.
"Sige. Ingat ka."
Shakira mouths a "Thanks," before turning back on her. Her gaze follows her as she opens the door but before she walks out completely, she calls her attention again.
"S-Shakira!"
Kaagad siya nitong nilingon nang may pagtataka sa itsura bago magtanong ng, "Bakit?"
Muli niya itong binigyan nang taos-pusong pagngiti, "Salamat, ulit."
Ngumiti rin ito at sa halip na sumagot ay muli siya nitong nilapitan para bigyan nang mahigpit na yakap. "Alagaan mong mabuti si Arqui. And please, don't get yourself into trouble again." Paalala nito sa tinig na tila ba naiiyak.
Hindi man inaasahan ang ginawa nito at medyo nahihiya man siyang tumugon sa yakap nito'y, ginantihan pa rin niya ng yakap ang dalaga.
She slowly nods her head and responds, "I will,"
Nang kumawala si Shakira ay hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang luhang kumislap mula sa mga mata ng ddalaga na kaagad naman nitong pinunasan.
This time, she honestly feels bad for her. Shakira was only driven by a lot of negative emotions thus she had done awful things but regardless, she holds firm to the belief in Shakira's fundamentally good nature.
Matatagpuan din nito ang taong para rito.
Sa tuluyang pag-alis ni Shakira nabalot ng katahimikan ang buong silid.
Marahil ay ayos na sila ni Shakira ngunit hindi pa niya kayang maging panatag gayong ang katotohanan ay may pagbabanta pa rin sa buhay ni Arq.
Lalo siyang binabalot ng pag-aalala dahil hindi pa niya nakikita si Arq. Nasaan na nga ba ito? Kung kailan naman gising na siya ay wala naman ito sa kanyang tabi.
Wala siyang ibang magawa kundi ang magmukmok na lamang sa ngayon. Nais man niyang hagilapin si Arq, wala pa siyang lakas para gawin iyon.
Pahiga na sana siya nang marinig niya ang pagkatok sa silid. Inaasahan na niyang si Gigi iyon.

YOU ARE READING
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...