◈ Caught By A Beast ◈
╰75th Catch╮
"FERNANDEZ, Lara Marie Cerio."
Nanginginig pa ang mga tuhod niya habang paakyat sa entablado. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwalang magtatapos na siya. Nang maiabot na sa kanya ang diploma'y parang mabibitawan pa niya iyon dahil sa panginginig ng kamay.
Isa si Arq sa mga kakamayan niya sa entablado kaya sobrang nakakahiya ang panlalamig niya. Pasimple siya nitong binulungan nang matapatan na niya ito.
"Are you okay, honey-love?"
Tinanguan niya ito sabay ngiti at sabing, "Kinakabahan lang."
"I'm so proud of you, honey-love. I love you."
Pagtingin niyang muli sa harapan ay buong pagmamalaki niyang itinaas ang diplomang natanggap. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa itsura ng kanyang mga magulang habang pumapalakpak ang mga ito. Pumapalakpak din si Pearl habang thumbs-up naman ang ibinigay ni Gigi.
Sa kabila ng napakaraming pangit na kaganapan sa pag-aaral niya simula nang makilala si Arq, sa wakas, lahat ng pagsisikap niya ay may pinatunguhan.
"Congrats, my princess. Proud na proud kami ng mommy mo sa'yo." Saad ng kanyang daddy nang salubungin siya. Niyakap din siya nito.
"Thanks, dad." Tugon niya habang nakayakap din sa ama.
Kasunod ay yumakap din sa kanila ang kanyang mommy pati na rin si Pearl.
"Congrats, bessy. Ano'ng pakiramdam?" Bati sa kanya ni Gigi habang nakayakap din.
Kumawala siya at nginitian ang best friend. "Overwhelming, bessy." Sagot naman niya na hindi malaman kung dudugtungan pa ba iyon o hindi. Medyo nalulungkot din kasi siya sa katotohanang hindi naka-graduate si Gigi ngayong taon dahil pinili nitong pumasok sa gulo nila ni Arq.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"
Hindi talaga niya maitatago sa matalik na kaibigan ang tunay na nararamdaman.
Bumuntong-hininga siya, "Graduate ka na rin sana ngayon."
"Hay nako! 'Wag mo ng isipin 'yon. Ga-graduate rin ako next year at dapat nandon ka! Ayoko ng maraming excuse."
"Oo naman! Ikaw pa ba?"
Sa muling pagyakap ni Gigi ay sakto namang may narinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Bago pa man din siya makalingon ay lumitaw na sa tabi nila si Andy.
Nang balingan niya ito'y mabilis siya nitong niyakap. "Congrats sa 'tin!" Tuwang-tuwa nitong sambit habang lumulundag pa.
Natatawa na lang siya sa kakulitan ni Andy.
"Hindi ko akalaing gagaraduate ako ngayong taon!" Aniya nang kumawala sa kaibiga.
"Sabi ko naman sa'yo, e. Marami talagang kalokohan 'yang si Arq. Pinakaba pa niya tayo sa pakulo niya."
Natatawa na lamang siya sa tuwing maiisip na sinadya talaga ni Arq na hindi ipasali ang pangalan niya sa listahang ipapaskil sa bulletin board. Ang dahilan nito'y nais nitong ito ang unang makakakita kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang makaka-graduate siya. Panatag daw si Arq na hindi siya basta-basta maglulupasay kaya walang pagdadalawang-isip na ituloy nito ang plano. Bukod kay Arq ay alam din ng tatlo pa nitong mga kaibigan ang kalokohan nito.
Lubos siya nitong napaniwala sa galing nitong umarte.
Ilang sandali pa silang nag-usap ni Andy bago sila istorbohin ni Yuan. Matapos bumati ng binata sa kanya'y nagpaalam itong isasama muna nito si Andy para makihalubilo sa pamilya ng mga ito.

YOU ARE READING
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...