╰27th Catch╮

4.4K 156 4
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰27th Catch╮

"ARQ."

"Arq!" Sigaw niya sa palabas na si Arq.

Matapos nilang maghapunan ay nagpaalam na kaagad itong uuwi na. Nagulat siya sapagkat lumabas ito kaagad matapos sumang-ayon ng kanyang ama. Medyo nabahala siya sapagkat mukhang nadismaya si Arq sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama.

Huminto si Arq sa paglabas ng gate habang siya naman ay pumwesto sa harapan nito.

Arq is wearing an impassive face that instantly scares her.

"Okay ka lang ba?" Nababahalang tanong niya.

Nangunot ang noo nito. "Why wouldn't I be okay?"

"Kasi... 'yong... si dad kasi, e." Nahihiya niyang sambit sabay kamot sa kanyang batok.

Napabuntong-hininga ito sabay ngiti. "Your dad is cool."

"Huh?"

"I said your dad is cool. Why are you so worried about it?"

Nakipagtitigan siya saglit kay Arq. Sinisipat ang tunay nitong nararamdaman ngunit hindi siya magaling sa ganong bagay.

Nang mapagtanto niyang medyo matagal na siyang nakatitig rito ay naglayo siya ng tingin. "W-wala. Sige."

"Alright. I'm going. Goodnight." Anito sabay talikod.

"Arq!" Muli niyang tawag na ikinahinto na naman nito. Nanatili lamang itong nakatalikod at hindi na rin niya hinintay pang muli itong humarap. Sabi na lang na niya ay,  "Ingat ka.."

Nakita niyang tumaas-baba ang mga balikat ni Arq bago ito kumaway nang nakatalikod.

She stays there until Arq drives away.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga dahil sa tensyong nararamdaman. Parang ang sama niyang anak sapagkat naisip niyang pinag-initan ng kanyang daddy si Arq. Napailing-iling siya habang pabalik sa kanilang bahay.

Hindi pa man din siya tuluyang nakakapasok sa loob ay narinig na niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang mula sa sala.

"I have other feelings about that Arq."  Sabi ng kanyang daddy, dahilan para mapahinto siya sa paghakbang.

"May problema ka ba sa kanya? Okay naman siya. Mukha naman siyang mabait." Pagtatanggol ng kanyang ina.

"Hay... Hindi ko alam pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya."

Napahugot siya ng hininga. Tama nga ang kutob niyang may mali talaga sa dad niya kanina pa.

"Javier, pagod ka lang. 'Wag mo munang pag-isipan ng kung ano-ano 'yung tao dahil ngayon pa lang naman natin siya nakilala."

Hindi lamang siya nalulungkot sa naririnig, nasasaktan din siya para kay Arq. Kung bakit ay hindi niya alam.

Sinadya na niyang magpakita sa mga magulang dahil ayaw na niyang may marinig pang hindi maganda. Kahit pa curious na curious siya kung may karugtong pa ba ang usapan ng mga ito tungkol kay Arq.

"Mom, Dad. Goodnight." Sabi niya bago humalik sa pisngi ng mga magulang.

"Lara, put your old sim in your new phone okay?" Paalala ng kanyang daddy.

"Okay, Dad." Pagsang-ayon niya atsaka na tuluyang pumanhik sa kanyang silid.

Agad siyang nahiga sa kama pero imbes na matulog ay umaalingawngaw pa sa kanyang isipan ang mga narinig niya mula sa kanyang dad. Kung tutuusin ay ganon din naman siya noong una niyang makita si Arq.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now