╰15th Catch╮

5.4K 183 13
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰15th Catch╮

.. LARA ..

3RD and last day of being a slave. 

Nagmamadali siyang lumabas sa kanilang kotse na para bang excited na excited siya kahit pa alam naman niyang mapapagod lang siya buong araw.

Paano ba namang hindi? Normal na ang buhay ko pagkatapos ng araw na ito. Makakapag-aral na ako nang matiwasay. Sabi niya sa sarili. 

Ngingiti-ngiti siya habang papasok sa field ng RDGU. Hindi gaya nitong mga nagdaang araw na puro takot na lang ang kanyang nararamdaman ay kabaliktaran na ngayon. Pakiramdam niya ay hindi na siya makakaramdam pa ng kahit anong takot sa mga susunod na araw na papasok siya. May naitulong din kahit papano ang naging parusa ng CLL at kung hindi lang niya iniisip na babarahin siya ni Arq kapag nagpasalamat siya, taos-puso talaga siyang magpapasalamat dito.

"Lara!"

Naudlot ang pag-akyat niya sa hagdan nang marinig ang malakas na tawag sa kanyang pangalan. Sa sobrang lakas ay nakuha nito ang atensyon ng ibang estudyanteng naglalakad. 

She rolls her eyes before turning around to see who called her. 

Nakita niyang humahangos palapit sa kanya si Andy na may mga bitbit sa magkabilang kamay. "Grabe ka naman makasigaw. Parang ang layo-layo ko naman." Sita niya.

"Anong grabe? Kanina pa kaya kita tinatawag kaya lang mukhang preoccupied 'yang utak mo. Ano bang ini-imagine mo? Ang aga-aga namang pagpapantasya niyan." Puna nito habang nakakunot ang noo.

"Wala 'no! Iniisip ko lang 'yong lesson kahapon." Palusot niya at ibinaling ang tingin sa iba.

Hindi alam ni Andy kung ano talaga ang parusa sa kanya ni Arq. Nagdadalawang-isip din siyang sabihin dito dahil alam niyang tutulong ito sa kanya 'pag nagkataon. Baka lalo lang madagdagan ang parusa sa kanya kapag nangyari ang bagay na iyon. 

Worst case, Andy would get involved.

Tumango ito. "I see. But I overheard that you've been excused for three days from your classes. How can that be true then?"

Muntik na niyang makalimutan kung ano si Andy sa RDGU. Malamang, kahit na magsinungaling pa siya ay may alam na ito tungkol sa mga bagay na ginagawa niya nitong mga nakaraang araw.

There's no sense in telling additional lies.

She sighs. "Okay. I think you already know about my punishment. So here I am. Papunta ngayon sa fourth floor para tapusin na ang parusang iyon." She finally admitted.

Tumango si Andy na hindi nagulat sa kanyang pahayag. Mukhang alam na talaga nito ang ginagawa niya. "Well, Arq asked me to take this to their sorority hall. Kaya sasabay na ako sa'yo dahil doon din naman ang punta mo."

May halong gulat at pangamba nang mapatingin siya kay Andy dahil sa pahayag nito. "Arq? M-may iba pa ba siyang sinabi sa'yo?"

Wala naman siguro siyang dapat ipag-alala dahil wala naman silang ibang ginawa ni Arq kahapon kundi ang magpintura lamang. Pero bigla na lang siyang na-curious sa kung ano pang nabanggit nito kay Andy. Ayaw sana niyang magpahalata sa kaibigan ngunit huli na para mabawi pa niya ang itinanong at hindi niya masisising magkaroon ng pagtataka sa mukha ni Andy.

"Wala naman. Bakit? May ginawa ba kayong hindi niya dapat ipagsabi?" Pang-aasar nito atsaka siya marahang siniko.

Nakuha niya ang ibig nitong sabihin kaya kaagad siyang dumipensa. "Wala 'noh! Ano namang gagawin naming dalawa?" Tanggi niya pero pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kanyang mukha. 

Caught by a Beast [GxG]Där berättelser lever. Upptäck nu