◈ Caught By A Beast ◈
╰Final Catch╮
"S-si Arq.."
Hindi pa man din dinudugtungan ni Shakira ang sinabi nito'y nagtayuan na ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Kasunod noon ay ang sobrang lamig na pakiramdam na tila siya binuhusan ng nagyeyelong tubig.
Dahil kanina pa siya nag-aalala'y hindi na niya napigilan ang emosyon kaya hindi niya namalayang halos pasigaw na siyang nagtatanong, "A-ano'ng nangyari sa kanya? Asan siya?!"
Wala pa man ding tugon si Shakira ay kaagad ng rumehistro sa utak niyang baka naipit na naman sa gulo si Arq. Hanggang ngayon ba ay may maaksidente pa rin sa kanilang dalawa? Hanggang kelan ba sila lulubayan ng masasamang pangyayari?
Hinila na lamang siya ni Shakira palabas ng bulwagan. Hawak nito ang kanyang kamay habang nilalakbay nila ang may kadilimang koridor. Pahina nang pahina ang musikang dulot ng nagaganap na kasiyahan hanggang sa tuluyan ng naging tahimik ang paligid. Lumabas sila sa gusali para tunguhin naman ang gusaling tanging para sa mga piling estudyante lamang.
Sa kabila ng pag-iisip niya kay Arq ay sumagi rin sa kanyang malay ang sariling kaligtasan. Ayaw man niyang pag-isipan nang masama si Shakira ngunit kailangan pa rin niyang mag-ingat.
Hinila siya nito papasok sa isang pinto. Mas man madilim sa bahaging iyon pero nasipat pa rin niya ang pababang hagdanan. Kaya naisip niyang isang underground hideout iyon.
Sa pagkakataong iyon ay natakot na siya kaya marahas niyang binawi ang kamay kay Shakira.
"Aray ko naman, Lara!" Reklamo ni Shakira nang lingunin siya.
"Kung ipapapatay mo na ako ngayon Shakira, sana hindi mo ako dito dinala! Baka mapurnada pa 'yang plano mo kapag biglang dumating sina Arq." Diri-diretso niyang sabi.
Hindi na niya napigilang ipahayag kung ano ang nasa isipan. Marahil ay mas maigi na ring alam ni Shakira na wala siyang tiwala rito. Baka sakaling hindi nito ituloy ang masamang plano.
Sa kabila ng may kadilimang paligid ay naaninag pa rin niya ang gulat sa itsura nito. Ilang sandali pa'y tumawa ito nang mapakla. "Bakit naman kita ipapapatay? Nakita nila Andy na ako ang kasama mo kaya kapag may nangyaring masama sa'yo ngayong gabi ako kaagad ang primary suspect."
May punto si Shakira kaya medyo natauhan siya. Bukod kina Andy at Yuan ay marami pang nakakita sa kanila kanina paglabas nila ng bulwagan.
"Anyway—"
"Fvck!"
Hindi na nadugtungan pa ni Shakira ang sasabihin nang maantala ito ng biglang pagsigaw. Pareho nilang ikinagulat ang bagay na iyon lalo na't tila galit na galit ang pagsigaw.
"I already called the authority. Pero hindi ko na rin matiis na hindi sabihin sa'yo. Kasi alam kong ikaw lang ang makakapagpatigil sa pagwawala ni Arq." Dagdag pang sabi ni Shakira.
Napangsinghap siya sa nalaman. Magkahalong pagkabigla at pangamba ang kanyang naramdaman nang siya'y tumugon, "Nagwawala? S-si Arq? Nagwawala?!"
Alam na niya ang sagot sa kabila ng pananahimik nito. Walang sabi-sabi nang tumakbo siya sa direksyon kung saan sana sila papunta. Hindi nga niya alam kung paano niya nakayang tumakbo gayong panay ang sayad ng damit niya at nakatakong pa siya.
Nang papalapit na siya sa dulong bahagi ng hagdan ay bumagal ang kanyang pagtakbo. Nauulinigan niya ang komosyon na unti-unting lumilitaw sa kanyang paningin.
Sa tuluyan niyang pagbaba ay nasaksihan niya ang pagsubsob ng mukha ng isang lalaki sa matigas na sahig. Napasinghap siya sa pagkabigla at lalo siyang natakot nang maging malinaw kung ano ang nangyayari.

YOU ARE READING
Caught by a Beast [GxG]
RomanceWHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised to unleash chaos in her life. Among them is a surprise she never envisioned, an elusive charmer, weaving unexpected thr...