╰32nd Catch╮

4.1K 142 7
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰32nd Catch╮

*Something Just Like This ~ The Chainsmokers ft. Coldplay (Trap City)*

Typical kind of party she expects: mega-rich kids, suffocating drinks, wild music, illegal substances and vices all around. Total chaos.

Puro usok sa paligid kaya gusto na lang sana niyang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin kung hindi lang siya hila-hila ni Arq. Habang patungo sa loob ay nadaanan nila ang karamihan na tila ba lasing na. Sa tingin niya ay masyado pang maaga para umabot sa ganong kondisyon ang karamihan. Paano pa kaya ang sistema ng mga ito kapag malalim na ang gabi?

They proceed to the entertainment room where there are few folks having drinks. There she also sees three best friends of Arq, who obviously are having fun.

"Arq! Dito!" Tawag ni Elijah habang nakataas ang isang kamay. May pinaalis itong mga babae sa tabi nito bago sila sinenyasang maupo roon.

Paglapit nilang dalawa ay kaagad din silang inabutan ni Greco ng red cups na may inumin ng nakasalin.

Nagdadalawang-isip siya kung tatanggapin niya iyon sapagkat ipinagbabawal pa ng kanyang ama ang pag-inom ng alak. Natatakot din siyang baka hindi niya makaya ang sarili. Tatanggi na sana siya nang magsalita si Arq.

"Juice lang sa kanya, Grec. Hindi siya pwedeng malasing." Paalala ni Arq bago sila maupo.

Nakakabilib talaga ang husay ng obserbasyon ni Arq.

Binawi ni Greco ang inaabot sa kanya. "Fine. Hoy, Brenan. Narinig mo, di ba?" Baling nito sa kaharap na kaibigan na abala sa paglalaro sa Nintendo switch nito.

Napasimangot si Brenan sapagkat hudyat pala iyon ng pag-uutos dito ni Greco. Nahiya siya dahil naabala pa ang binata kaya nakahanda na siyang magpresenta para kumuha ng sariling inumin, nang hawakan siya ni Arq sa braso para pigilan.

"It's okay." Bulong nito.

Tumango na lamang siya pero sa totoo lang ayaw niyang masanay sa ganitong pagtrato. Hindi niya gusto ang nakakaabala ng ibang tao.

"How's your meeting with the Hawks?" Narinig niyang tanong ni Elijah.

"It was good. Alam mo naman kapag nagme-meeting ang mga 'yon, walang matinong pinag-uusapan." Sagot ni Arq sabay inom sa baso nitong alam niyang alak ang laman. "And why were you three missing?" Dagdag nito.

Hindi na niya narinig ang sagot ni Elijah dahil medyo na-conscious na siya sa kanyang suot. Medyo tumaas iyon nang umupo siya kaya nagsimula na siyang hindi mapakali sa kinauupuan.

Naramdaman siguro ni Arq na hindi siya komportable kaya napabaling ito sa kanya. "May problema?" Pabulong nitong tanong.

"'Yung dress ko, tumataas. Ang iksi naman kasi nito e." Reklamo niya na hawak na ang dulo ng kanyang suot.

Wala siyang bag na bitbit sapagkat iniwanan niya iyon sa sasakyan ni Arq. Kaya wala siyang maitatakip sa kanyang exposed na hita.

Kung tutuusin, mas maiikli pa ang mga suot ng halos lahat ng kababaihang naroroon, ang iba'y halos kita na ang kaluluwa pero hindi big deal, hindi gaya ng sa kanya.

Kahit pa nagsusuot siya ng maiksi mas maiksi pa rin ang suot niya ngayon kaya hindi talaga komportable.

Napasulyap sa binti niya si Arq, na hindi niya naman naramdamang may malisya. Ilang sandali pa'y nahubad na nito ang black leather jacket na suot. Akala niya'y kung ano na ang gagawin nito, pero hindi niya inaasahang itatakip nito ang jacket sa kanyang kandungan.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now