╰5th Catch╮

6.5K 201 7
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰5th Catch╮

.. ARQ ..

RECEIVING a notification from one of the professors early in the morning is not new to her. Professor Aldrich Rome will, again, be absent from his class.

Si Greco sana ang uutusan niya para maging substitute nito subalit hindi pa dumarating ang kanyang magaling na kaibigan. Nag-party ito kagabi kaya alam niyang puyat ito at hindi na niya mahihintay pa. Hindi niya maaasahan sina Elijah at Brenan sa pagsu-substitute sapagkat puro kalandian lamang ang gagawin ng dalawa. Ang malas lang niya sapagkat sa kanilang apat, siya ang pwedeng mag-sub ngayon. May naiisip na siyang gagawin sa klase ni Professor Rome. Hindi niya kailangang magturo sapagkat wala pa naman itong nasisimulang lecture.

Habang naglalakad patungo sa klase nito, naninita siya ng mga pagala-galang estudyante. Kahit kailan ay hindi naging maganda sa kanyang paningin ang mga estudyateng nakakalat sa corridor. Kahit pasaway siya noong nag-aaral pa siya hindi niya nagawang magpagala-gala. Mas ninais niyang tumambay sa library kaya nahawa sa kanya ang tatlong bulakbol na kaibigan.

Pag akyat niya sa pupuntahang building, malayo pa lang ay tanaw na niya ang isang estudyanteng tila ba wala pa sa ulirat. Kunot-noo niya itong kinukumpirma at kung hindi siya nagkakamali ito 'yong babaeng binangga siya kahapon. 

Well, she couldn't accept it was her entire fault. That girl wasn't being mindful of the surrounding.

Hindi ito tumitingin sa dinaraanan nito kaya nakakaabala ng tao. Gaya ng nakikita niya ngayon, para talaga itong wala sa sarili. Kaya nang mapahinto ito kasabay niya sa mismong harapan ng silid, gulat na gulat itong napatingin sa kanya. 

Her demeanor quickly changes to more serious to show the girl how much the scene irritates her at the moment. Her brow arches upon noticing that the girl is checking her out.

What the f*ck... 

Hindi siya madaling mairita sa tingin lamang ngunit parang may kakaiba sa pagkakatitig nito sa kanya na hindi niya nagugustuhan. Mukhang natutuwa ang babae sa ginagawa nitong pagtitig kaya hinayaan niyang mabusog ang mga mata nito sa konting minutong kaya pa niyang pigilan ang pagkairita.

When their eyes meet, she stares at her manically. The girl's eyes dilate realizing what just happened.

"Uhmm.. Pasok ka na." The girl uttered.

She sighs, displeased. She has no intention in talking to that girl, so she enters the room instead. Silence pervades the class in an instant. She greets them while slipping off her blazer and hang it on the chair before sitting against the teacher's table. Then her attention goes to the girl who is all settled on her seat looking back at her in bewilderment.




.. LARA ..

2ND day.

Gaya nang naisip niya, ngayong araw ang simula ng normal school day. Wala namang pinagkaiba ang kilos ng mga estudyante kahapon at ngayon pero mas aligaga ang mga ito sa kanyang paningin. Kung kelan naman hindi na siya tensed ay tsaka niya napansin na ang mga estudyante sa paligid ang hindi magkamayaw sa mga gagawin. Kung kahapon ay wala siyang pakialam, gusto niyang mangiti ngayon sa nakikita niyang kaba mula sa mga ito. 

But eventually, she chooses to ignore them.

Gaya kahapon nauna na namang naglakad papasok ng field si Pearl. Mukhang ayaw talaga nitong ipaalam na may kapatid din itong nag-aaral sa RDGU.

Well, okay lang. Kung magkaatraso man siya, hindi niya ako guguluhin. And vice versa. Kibit-balikat niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Marami siyang free time ngayon dahil sa ilang oras na pagitan ng kanyang three subjects. Kaya tatanungin niya si Andy kung magkakapareho ba sila ng oras. Gusto niyang maging pamilyar sa RDGU lalo na sa mga pwede at hindi niya pwedeng tambayan kaya yayayain niya itong maglibot. Marami siyang plano sa kanyang isipan para maging productive ang kanyang araw. Sana lang ay hindi siya dalawin ng katamaran para magawa niya ang mga nais.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now