╰16th Catch╮

4.9K 164 13
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰16th Catch╮

PABALIK na sila ni Andy sa RDGU matapos ng halos isang oras na pagkain nila na sinamahan pa ng paglalaro. Sobra siyang nabusog sa panlilibre ng kaibigan at medyo napagod sa pamimilit nitong maglaro saglit sa arcade. Kahit ayaw niya ay nagawa pa rin niya itong pagbigyan. Nag-enjoy naman siya sa kanilang paglalaro subalit hindi pa rin maiaalis sa kanya ang pag-alala sa dapat gawin— ang pagre-review. 

Nang makabalik sa RDGU ay naghiwalay na sila ng landas. Pupunta si Andy sa office ng mga admins samantalang siya naman ay pupunta sa library. Walang masyadong estudyanteng nakakalat sa corridor nang mga oras na iyon kaya hindi siya nakaramdam ng pagkailang. Dahil dalawang araw din siyang nasa fourth floor, na-miss niya ang mga pangyayari sa ibaba.

Naglalakad siya papuntang library nang may maulinigan siyang kung anong pagtatalo sa isang sulok bago siya kumaliwa ng daan. Kaagad siyang napahinto sa kaisipan na baka kapag tumuloy pa siya ay mapansin siya ng kung sino mang naroroon at ikapahamak pa niya. 

She's about to turn around but decides against it. She can't help herself not to get curious, hence, she stays for a while.

"...please... wala akong ginagawang masama... nadamay lang... k-kaya lubayan niyo na lang ako..." Pagmamakaawa ng isang tinig na base sa boses ay lalaki.

"Really, huh?!"

Shoot! Savage?

Kabisado niya ang boses na iyon. 'Yong boses na iyon ang laging indikasyon na nasa paligid lang ang Savage. Kinabahan siya. Hindi niya gusto ang bagay na tumatakbo sa isip niya base sa mga naririnig. Ngayon niya napagtanto na nakakatakot talaga ang grupong nais niyang iwasan. Sa tono pa lang ng pananalita ng mga ito ay parang gusto na niyang magtago. 

A yelp echoes.

Imagining the worse, she quickly covers her mouth with her hand to avoid creating noises and being noticed.

After the yowl of pain, follows a sound of struggles. 

Hindi niya alam ang gagawin lalo pa nang marinig niya ang isa pang mas pamilyar na boses na lalong nagbibigay ng nakakatakot na epekto sa kanya.

"This is not a threat, Cadis. I'm going to kill you with my bare hands by all means possible. We're not playing a game here. Tell that to your boss." Mariin ang bawat salitang binitawan ni Arq.

She bites her lower lip.

Ang buong akala niya ay hindi ganon kasama si Arq para maisip nito ang pumatay ng tao. Pero, ano nga namang maibibigay sa kanya ng dalawang araw nilang pagsasama?

She can also bear to act nicely even within a span of four days. 

Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan sa taong puro basag ulo lang ang alam? Awa? Habag? Kabaitan? Isa sa sampung masasamang tao lang yata ang maaring magbago.

Sa kasamaang-palad ay hindi kabilang si Arq.

Nakarinig siya ng mga kaluskos at yabag. Hindi na niya kailangan pang hintayin na mahuli ng mga ito dahil baka hindi na siya umabot kinabukasan kaya mabilis siyang naglakad pabalik at nag-iba na lang ng daan patungo sa library.



HABANG nasa silid-aklatan ay lumilipad naman ang isip niya. Hindi pumapasok sa utak niya ang mga bagay na nire-review dahil sa narinig kanina.

She grunts and absentmindedly bangs her head down her notes, forgetting where she is at the moment.

Nang itaas niya ang ulo ay nabigla siya sa pagsulpot ng librarian sa kanyang harapan. Hindi naman ito mukhang masungit gaya ng madalas niyang ma-encounter na mga librarians. "Are you alright, Miss? I just wanna remind you that you're in a library. So please keep quiet." Magalang na sita nito.

Caught by a Beast [GxG]Kde žijí příběhy. Začni objevovat