╰33rd Catch╮

4.3K 175 10
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰33rd Catch╮

AS the night gets deeper, the party goes wilder.

Parang hindi matatapos ang ganitong klase ng kasiyahan. Sa totoo lang, mas mag-eenjoy siya kung walang epal na Shakira. Susulitin niya ang pagsasaya. Mabuti na nga lang ay inaasikaso siya ni Arq kaya kahit papano ay ayos na rin siya.

Nakapagsabi na siya sa kanyang mga magulang na mahuhuli siya ng uwi. Akala niya'y hindi siya papayagan dahil parang sumusobra na ang request niya. Subalit pinaalalahanan pa siya ng ama ng mga bagay na lagi naman nitong pinapaalala kapag nasa party siya. Tuwang-tuwa siya sa pagpayag ng mga ito.

Nakailang ikot na ang bote at nagpapasalamat siyang hindi pa sila natatapatan ni Arq, pati na rin si Luci. Si Greco ay wala ng pang-itaas na damit na sa tingin niya ay pabor dito at sa mga babaeng naroroon. Maganda ang katawan ni Greco kaya hindi nakakasuka tingnan.

Si Elijah naman ay nakailang dare na rin at ang pinakamatindi ay ang bigla nitong pag-akyat sa make-shift platform, kung saan may mga nagsasayaw na mga kababaihan na halos labas na ang kaluluwa, para lang magpakita ng pwet na tinapatan pa ng spotlight. Hiyawan at palakpakan ang natanggap nito dahil sa ginawang kalokohan.

Halatang game na game ang lahat. Sa katunayan ay nadagdagan sila nang may mga sumali pa. Good for 100 rounds ang laro— na bagong pakulo lang daw iyon ni Elijah nang bulungan siya ni Arq. Wala naman siyang naging reklamo. Hindi na niya magagawa pang umatras sapagkat ayaw niyang mapagatagumpayan ni Shakira ang pang-aasar sa kanya.

They are at the forty-fifth round when the corkage finally points towards Arq.

"Oh my God! Arqui! Ikaw na!" Tili bigla ni Shakira.

Malamang matutuwa talaga ito sapagkat halatang may plano itong hindi maganda.

Ang maghahamon ay ang babaeng katapat niya na kakatapos lang magpahawak ng dibdib sa isa sa mga kalalakihang nagsasayaw.

"Would you dare to kiss your..." Simula nito.

There's nothing new about that dare. That's why she has been telling herself that once it's on the table, she has to pretend that it's nothing.

Hindi na bago ang ganong dare para sa magkasintahan o ipinapareha na lalaki at babae. Napapanood at nababasa niya ang ganong eksena.

"...ex-girlfriend?" Pagtatapos nito.

Namilog ang kanyang mga mata at napanganga dahil sa narinig. Pagtingin niya sa babaeng nagbigay ng dare kay Arq ay nakangisi ito. Ramdam niyang kilala ito ni Shakira at marahil isa ito sa mga plano ng huli.

Sobra-sobra ang pag-iilusyon niya na silang dalawa ni Arq ang gagawa ng dare. Nawala sa kanyang isipan na may EXtra pala silang kasama.

Lihim siyang napasulyap kay Shakira na halata ang tuwa sa mukha. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pagkindat nito sa babaeng nag-dare. Kumpirmadong magkakampi nga ang mga ito.

Nabahala siya nang gumalaw si Arq at umayos ng upo. Tiningnan siya nito ngunit hindi niya alam kung paano magbabato ng reakyon gayong blangko ang ekspresyon sa mukha nito.

Kinakabahan siya sapagkat naparami na yata ang nainom nitong alak dahil pulang-pula na ito. At mukhang sa tama ng alkohol ay magagawa nitong patulan ang dare. Napalunok siya nang malalim nang balingan na nito si Shakira.

Moment of truth... Moment of being hurt...

Alam niyang mahal pa rin ni Arq si Shakira. Hindi ito mag-aaksaya ng panahon para lang mapagselos ang dating kasintahan kung wala na itong nararamdaman. Alam niyang hindi ang paglayo ni Shakira ang nais nitong mangyari sa ginagawa nilang pagpapanggap. Tanga-tanga lang siya dahil pumayag siya. Kaya heto na ngayon ang parusa niya.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now