╰48th Catch╮

3.8K 168 7
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰48th Catch╮

"IIWAN ko na lang muna 'to dito." Sambit niya nang marating na nila ang RDGU.

Naisip niyang wala siyang paglalagyan ng mga bagay na bigay ni Arq sapagkat maliit lang ang bag niya. Nakakahiya naman kung buong araw niyang bitbit ang mga iyon. Ayaw niyang maging tampulan ng tukso ng mga kaibigan, lalo na ng mga kaibigan nito.

"Bakit mo iiwan dito? Dalhin mo. Doon mo na lang iwan sa office." Sita sa kanya ni Arq.

"Nakakahiya, Arq. Hindi ako sanay ng ganito." Reklamo niya.

"Masanay ka na. Ngayon pa lang nahihiya ka na. First day palang 'to ng panliligaw ko sa'yo. Paano na lang pala sa mga susunod na araw?" Katwiran naman nito.

"Arq—"

"No. Bring all of these with you. After we have our breakfast tsaka tayo pupunta sa office ko para mailagay mo na 'yan doon."

"Bakit hindi muna sa office mo?!" Halos pasigaw niyang tanong. Pakiramdam niya'y gusto lang siyang asarin ni Arq dahil sa suhestiyon nito.

"Nagugutom na ko." Sagot nitong hindi niya kayang sang-ayunan.

"Kainin mo na lang muna 'tong chocolates."

Her offer only earns a dreadful look from Arq. She has anticipated it already because she knows that she's fond of suggesting stupid things.

"You're kidding." She said through her lopsided smile, before paying attention to the driver. "Manong pakiuwi na lang 'tong sasakyan. Tatawagan ko na lang kayo mamaya kapag kailangan ko ng sundo."

Tumango naman ang driver. "Opo, ma'am."

Atsaka siya muling binalingan ni Arq. "'Wag ka na ngang sumimangot dyan. Akala mo naman ang laki lagi ng problema mo." Naiinis na nitong sabi pero halatang nagpipigil.

"Ikaw kaya magdala ng ganito."

Akala niya ay matatagalan pa sila sa kanilang argumento sapagkat parehong walang may gustong magbigay sa bawat isa. Ngunit tila nag-iba na talaga ang ihip ng hangin.

"Oh, e di ako na!" Pagsuko ni Arq bago kunin ang mga bigay nito sa kanya. Bukod sa mga iyon ay kinuha pa nito ang bag niya at mabilis na sinukbit sa balikat nitong hindi injured.

"Ako na sa bag ko." Aniya pero iniiwas lang nito ang balikat.

"No, I'll do it all. 'Wag ka lang sumimangot diyan." Tanggi nito na hindi niya alam kung sinasadya siyang konsensyahin o talagang pinaninindigan na nitong tratuhin siya nang maayos.

She doesn't want to hope for the latter because she might find herself falling fast for Arq.

"Pabukas na lang po ng pinto, manong. Dito na lang sa side ni Lara."

Maagap na sumunod ang driver nito. Nauna siyang bumaba at nagpasalamat sa driver na ngiti lang ang itinugon sa kanya. Kasunod niya si Arq na halatang hirap sa pagbaba. Sinubukan niya itong tulungan subalit mariin itong tumanggi. Halatang tinotoyo na.

Sa pagpasok nila sa unibersidad inaasahan na niya ang makahulugang titig ng mga kababaihang estudyante na may kasamang mga bulungang abot sa kanyang pandinig. Dahil kasama niya si Arq ay medyo matapang siyang taasan ng kilay ang mga ito bilang ganti.

She figures it's just right to reciprocate in the same manner so they would know that she doesn't get scared.

°Wow. Di ka pa girlfriend niyan, ah?!° Nakahalukipkip na sabi ng kanyang ego.

Napaismid siya.

Parehong eksena ang nadatnan nila sa pantry. Ngunit hindi na niya iyon pinagtuunan pa nang pansin lalo nang mahagip kaagad ng kanyang paningin ang pagkaway ng isa sa mga kaibigan ni Arq. Nasa isang pwesto ang mga ito di kalayuan mula sa entrada ng pantry. Hindi niya inaasahang nakalabas na pala ang mga ito mula sa ospital.

Caught by a Beast [GxG]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن