╰51st Catch╮

3.8K 145 6
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰51st Catch╮

MATUTULOG na lamang siya pero nagagawa pa rin niyang pagurin ang sarili sa pag-iisip kung ite-text ba niya si Arq para kumustahin o maghihintay na lang siya ng kinabukasan para makita ito at matanong tungkol sa pagpapa-check up nito ng pilay.

Ngunit hindi na niya kayang hintayin pa ang kinabukasan. Kating-kati ang kanyang mga kamay para mag-text kay Arq. At nang makahiga na siya sa kama ay sinimulan na niyang gumawa ng mensahe para rito.

*Hi! Kamusta ang check up mo? *

She puts her phone on her chest as soon as she sends the text message. While she's waiting for Arq's reply, she starts to ponder over the progress of their relationship. It hasn't even been a year since she started studying at RDGU yet a lot of things had already happened.

Tila nalamangan ang mga naging karanasan niya sa siyudad kung saan siya ipinanganak at lumaki. Napakarami na kaagad niyang alaala sa Georgetown– mga alaalang kasama si Arq.

Naalala niyang halos isumpa niya si Arq noong hindi pa niya ito nakikilala nang lubusan dahil sa kaangasan nito.  Ngayon, ang misteryosang babaeng walang ibang alam kundi ang sungitan siya ay ang dahilan na ng kanyang pagngiti. Unti-unti na silang nagiging komportable sa isa't isa sa bawat paglipas ng araw.

Naudlot ang kanyang imahinasyon nang tumunog ang kanyang telepono. Sa lalim ng iniisip niya ay nagulat pa siya at tarantang inangat iyon para sagutin.

"I'm fine, honey. Okay pa naman daw 'tong braso ko kaya 'wag kang mag-alala."

Gumaan ang pakiramdam niya sa kumpirmasyon nito. "Buti naman." Aniya.

Bahagyang nakunot ang kanyang noo nang marinig ang tumutunog na musika sa background ni Arq. Mukhang nasa party ito.

"Nasan ka?" Hindi na niya napigilang tanong.

"Classy Ladies held an event tonight." Sagot nito.

Napasimangot siya. May event pala ngayong gabi ang sorority na pinamumunuan nito pero hindi man lamang nito pinaalam sa kanya. Nag-aalala pa naman siya tapos ito nagpapakasaya na pala ito.

Dagdag pa na puro kababaihan ang mga kasama nito sa naturang kaganapan. Mas napasimangot lang siya lalo na ng maalala niyang baka naroroon na naman ang epal na si Luci.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga para kalmahin ang sarili. Wala siyang balak na ipahalatang naiinis siya subalit si Arq nga pala ang kausap niya. Matalas ang pakiramdam nito.

"Nako, galit na naman siya. Uuwi rin naman ako pagkatapos ng meeting namin. Rest assured na hindi na ako makikisali sa party nila."

"Gaano naman katagal 'yan?"

She's trying not to sound like a nagging girlfriend but she can't control her voice especially when she's annoyed.

"Actually, kakarating ko lang dito. Kakapatawag ko lang ng huddle kasi may importante akong announcement." Tugon ni Arq na halatang nagpipigil ng tawa.

Kung wala sigurong gusto sa kanya si Arq at hindi ito nanliligaw ay baka nabara at nasigawan na siya nito dahil sa pag-iinarte niya.

She's just sorry for Arq because even she cannot understand why she's being pesky.

"Honey, still on the line?" Arq tries to get her attention back.

"Ingat ka dyan. Ingatan mo 'yang braso mo baka makipagbanatan ka na naman." Paalala niya sa tonong hindi sweet.

Ayaw niyang maasar ni Arq kaya sisimplehan niya lang ang mga banat.

"There's only a tiny chance that I get into trouble whenever I'm with the Ladies. Hindi trip ng mga naggagandahang babae dito ang makipagbasagan ng mukha." Paglilinaw nito na sinabayan pa ng nakakalokong tawa.

Caught by a Beast [GxG]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora